S.U #25

66 4 3
                                    


Cancel ko na kaya yung friend request ko sa kanya? nasa wall ako ngayon ni andrew
mahigit tatlong araw na kong nag send sa kanya ng friend request pero hindi niya pa rin ina-accept, nakita ko naman na kakapost niya lang kanina, tapos nag accept rin siya ng ilang request bakit yung sakin hindi niya inaccept? ika-cancel ko na talaga, nakakapagod kayang mag-antay, tapos yung iniintay mo hindi pa sigurado kung darating. Nakakasawa ring umasa na kada may notification ako umaasa ako na sana galing sa kanya.

Andrew Perry Guzman accepted your friend request....

Joke ba to? kung kailan naman ika-cancel ko na yung FR ko sa kanya, Saka naman niya ko inaccept. Pero ayos lang atleast friends na kami, my gosh kinikilig ako.

****

Naalala ko tuloy yung panahon na In-add ko si Andrew, para pa nga kong timang kasi kinabahan ako sa pagse-send sa kanya ng FR at inabot pa ko ng kalahating oras sa pagde-decide kung I-a-add ko nga ba siya. Tama kayo, ako ang nag-add sa kanya syempre ako yung may gusto sa kanya asa naman akong siya ang mag-aadd eh hindi niya nga ata alam na may Rachel na nage-exist, na may nagkakagusto sa kanyang dyosa.

tama na pag re-remenisce, may kailangan pa akong solosyunan. pumunta ko sa wall ko at ni replyan ang comment ni andrew.

Rachel Ann James

Ang joke dapat nakakatuwa, hindi nakaka inlove. :)

2 days ago..

1.57k Likes. Comments. 987 Share

Andrew: Hahaha sige next time, dapat sinabi mo.

Rachel: ang hangin no, dama mo? haha

Andrew: bakit hindi ba ako yan?

actually ikaw yan. :)

Rachel: Hindi ah, feeler masyado XD

Andrew: Ok sabi mo eh.

Rachel: Hala siya, galit ka?

Andrew: Hindi ah, bakit naman ako magagalit? Hahaha

sabi ko nga.

Rachel: wala, feeling ko lang.

Andrew: Feeler ka rin HAHA.

Rachel: Haha

sa mga ganyang sitwasyon HAHA na lang talaga ang sasandalan mo. Alam niyo kahit minsan paulit-ulit na yung mga lines namin hindi nakakasawa kasi gusto ko siya eh, pero kung ordinaryong tao lang yan mabo-bored ako.

Pumunta muna ko sa newsfeed ko at nakita ang post ni Andrew.

Andrew Perry Guzman
Good Night :) -w/Stephanie

56 Likes. Comments. Share.

Sino naman si stephanie?

itutuloy....

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon