S.U #5

123 8 0
                                    

Andrew Perry Guzman likes your status..

Clinick ko yung notif. na galing kay Andrew, tiningnan ko kung ano yung ni-like niya at napag-alaman ko na yung status ko pala kanina yung about sa pag-a-assume yung ni like niya.

Lumi-level-Up na si crush. Dati hindi niya pinapansin yung mga post ko ngayon nila-like niya na yung status ko, baka sa susunod ako na rin yung like niya, my gosh kinikilig tuloy ako.
Napatigil ako sa pagsabunot sa sarili ko, ng madali ko yung laptop ko at nakita yung status ko Paalala: Huwag mag-assume, masasaktan ka lang. Bumalik ako sa realidad, tama na ang pangangarap chely.
Baka naman na-like niya lang yung post mo, baka naman natutulog siya at nadali niya yung laptop niya o kung ano man ang gamit niya tapos na click yung like button, o kaya naman ni-like niya lang talaga para ipa-mukha sa akin na ang assumera ko.

Para matigil itong kahibangan ko nag update ako ng status ko, pag ni like niya ito ibig sabihin hindi niya yun sinadsadyang ma-like o kung ano man, ila-like niya ito kasi bakit nga ba? basta para ma prove na nag-like talaga siya ng update ko, kasi kung hindi sinadyang ma like yung status ko kanina hindi niya ito ila-like, magulo ba? ako rin naguguluhan.

**

I don't believe in destiny. Why? Because, I don't want to depend my future with that Destiny chenes.
I can make my own better future without hoping in that sh*t.
As far as I know, only fools believe in that destiny thing.(no offense, it's just my opinion.)

- Chely :)

Just Now.

Kaka-update ko lang ng status ko, at wala pang isang minuto nag kulay pula na agad yung notification bar ko, binuksan ko iyon ka agad at puro likes ng mga taong hindi ko kilala, unti-unting dumarami yung notification ko at natatambakan na ako.
tiningnan ko kung online siya, at nakita ko namang may kulay blue sa gilid ng pangalan niya kaya tinuloy ko na ang pag-isa isa ng pagtingin sa mga nag likes. Lumipas na ang 20 minutes ng paghahanap ko sa pangalan niya kaso wala akong makita, sumasakit na rin ang mata ko kaya tinigil ko na, hindi pa rin nawawala yung pula sa notification bar ko kaya clinick ko ulit at halos malaglag ako sa kama ko ng makita ko ang pangalan ni crush.

Andrew Perry likes your status...
1 minute ago

Ni like ni Andrew yung status ko so, ang ibig sabihin lang noon ay ni-like niya talaga yung una kong status para ipamukha na ang assumera ko :( eh itong pangalawa ano kayang ibig sabihin? Natuwa siguro, tama natuwa lang siya.


itutuloy...

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon