S.U #21

68 6 1
                                    


     bumungad sa akin ang isang pimple sa pisngi ko, argh nakakainis masyado kasi akong na stress kagabi ayan tuloy "Hello pimple" ako :( Parang ayaw kong mag log-in sa SB, pero meron din naman sa part ko na gusto kong mag SB, kaya lang kasi baka online si Andrew ayoko pa namang makita ang pangalan niya, unfriend ko kaya siya? o di kaya block ko na din para wala na talaga kong makita? Hay, umaandar na naman ang pagiging O.A ko, bahala na nga di ko na lang siya papansinin pag chinat niya ko.

    Log-in sucessful..

    Michael XD and 12k other friends mention you in a post.
7 hours ago...

     Woah? ok anong meron alam kong birthday ko kahapon pero 7 hours ago pa ito, ibig sabihin 1:00 am na ng madaling araw nung minention ako, ano naman kaya ito? dahil sa sobrang curious ko clinick ko iyon at dinala ako sa post ni Andrew.

     Andrew Perry Guzman.

           Sineen niya lang yung gawa ko tapos nag log-out na :( sayang effort. Happy Birthday na lang sayo :D

7hours ago.

2.3k Likes.   1.2k Comments.  547 Shares.

Gabe: wait mo lang baka may ginawa. @Rachel Ann James

Marife: tatlong beses mo pa namang inulit yun kasi hindi ka satisfied sa ginawa mo.

Beverly: pinagpaguran at pinagpuyatan pa naman ni pinsan yun :(

Cyril: may ginawa? mahigit isang oras na ang lumipas oh, hindi pa rin nagpaparamdam.
@Rachel Ann James

Mer: tinulugan ka na nun. @Rachel Ann James

Shai: aw, ang swerte naman niya, tapos hindi ka pinansin. @Rachel Ann James

Lucy: I hate her, binabalewala niya lang yung gusto ko :( @Rachel Ann James

Ren: PAASA capslock para intense. @Rachel Ann James

Michael XD: Huwag sana tayong mag judge agad. @Rachel Ann James

Din: @Rachel Ann James

Bhoxcs fHaith. @Rachel Ann James.

Michael XD: anyare ba sayo ateng, magparamdam ka @Rachel Ann James

     Napatakip ako sa bibig ko, ako pa ang nang seen? binasa ko ulit yung post niya, clinick ko yung link na pinapalike niya at bumungad sa akin ang isang painting na mukha ko ang naka paint at sa gilid noon may nakalagay na "Happy Birthday Rachel" at ang signature niya sa baba. Ang ganda ng pagkakapaint parang artist talaga ang gumawa. Ito ba yung sinasabi nilang pinagpaguran at pinagpuyatan ni Andrew? tapos tatlong beses niyang inulit? tapos sineen ko pa.

      Hindi ko namalayan pero naramdaman kong tumutulo na ang luha ko, bakit ba ang tanga ko? Lagi ko na lang pinapairal ang pagiging matigas na ulo.

   Isa lang ang goal ko ngayon ang i-message si Andrew.

Rachel: Super thank you doon sa painting, sorry rin kasi ngayon ko lang tiningnan ikaw kasi sabi mo pa-like kaya nag-out ako kasi inaantay ko na batiin mo ko.
    
     Ayan ok na, mag uupdate naman ako ng status ko.

      Rachel Ann James

            -is feeling Happy.

Just now.

Likes.         1 Comment.      Share.

Lucy: Happy? kaya ka siguro masaya kasi nakapag-paasa ka.

      Ha? anong pinagsasabi nitong babaeng to, may nag comment nanaman.

Rachel Ann James

            -is feeling Happy.

2 minutes ago.

Likes.         12 Comments.      Share.

Lucy: Happy? kaya ka siguro masaya kasi nakapag-paasa ka.

Ren: grabe sadista.

Cyril: @Rachel Ann James kung hindi mo gusto si Andrew sabihin mo hindi yung pinapaasa mo.

Mer: binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko.

Michael XD: alamin niyo muna kung bakit siya masaya hindi yung nagco-conclude kayo.

Ivan: hoy, tigilan niyo yan, huwag niyong awayin si Y @Rachel Ann James.

       Hay, misunderstanding na naman. Lumalabas ang mga haters, hindi ko na lang sila pinansin bahala sila hindi ko kailang i-explain ang sarili ko sa mga taong hindi marunong umintindi. Kung alam lang nila ang dahilan kung bakit ako masaya. Masaya ako kasi hindi pala nakalimutan ni Andrew ang birthday ko.

itutuloy...

     

Status UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon