Nang umalis ako sa bahay kaninang umaga, desidido na akong hindi bumalik.
Ilang taon na rin naman akong pasan ng pamilya ng tiyahin ko—and there hadn't been a day in the past five years na tumigil silang ipaalala sa akin 'yun.
Mahirap maging palamunin, lalo na kung kada subo mo ng pagkain sa plato mo, pinaparinggan ka—kahit buntot na nga lang ng isda saka tutong sa kaldero ang kinakain mo.
I would suppose matitiis ko naman lahat ng pang-aalipusta nila, considering hindi naman talaga kasinungalingan. Marami silang masakit na salitang madalas bitawan, pero sinabi ko sa sarili ko, "At least 'di nila ako sinasaktan."
But I think I had come to the point na hindi ko na matiis. Kumbaga sa patak-patak ng sama ng loob na naipon, nag-uumapaw na ako ngayon.
Bakit kailangang ako ang pagbintangan na nangupit ng pera? Kung 'yung talaga namang dumukot sa wallet nila ay 'yung pinsan kong magaling na lulon sa paglalaro sa computer shop?
Bakit kailangan baliktarin lahat ng gamit ko kapag wala akong mailabas? Para bang lahat na lang ng kamalasang dinaranas ng bahay na 'to, miski 'yung pagbara ng inodoro, sa akin isinisisi.
Kung may pera man silang nadukot sa wallet kong hindi nila binigay—kung maalala nila akong bigyan at all—kinita ko 'yun sa paglilinis sa school. Ang daming araw na tiniis ko 'yung kahihiyan every time na nakikita ako ng mga classmate ko, every time na maamoy nila ako at 'yung nanuyong pawis sa damit na pangalawang araw ko na suot.
Sukdulan ka na nga ng hirap, pinipilit mong maging honest pa rin kahit papaano. Pero for what?
Natawa na lang ako habang umiiyak.
I swore to myself, then and there, legal age man ako o hindi, aalis na ako't hahanap ng lugar na pwede kong tirahan. Tutal subsidized naman ako ng university at may scholarship. I would probably be able to make ends meet kung makahanap ako ng part-time job somewhere. Serbidora man o janitor, pagsisikapan ko. Anything that would help me leave.
It was just a few months, anyway. Eighteen years old na ako.
Nag-text ako sa isang kaibigan at nagtanong kung pwede akong makitira kahit isang gabi lang. Pumayag naman, kaya't mas lalo akong pumirme sa desisyon na 'to.
Anyway, saka lang naman ako naaalala ng mga tao dito kapag may kailangan silang iutos. I wonder how long it would take for them to realize na umalis na ako. I doubt they would even go looking for me.
Late na akong nagising kinabukasan dahil late na rin akong nakatulog ng gabing 'yun. Worst part was kahit humahagulhol ako, kailangan ko pa rin isulat 'yung paper na kailangan ipasa sa isang class kasi hindi ko pa natapos.
Kaya naman habang panay sila puna sa kasawa-sawang hotdog at itlog na niluto ko pang-almusal, inimpake ko na 'yung mga gamit ko sa backpack, kahit medyo mabigat, at saka umalis.
Ilan lang naman ang mga damit ko. 'Yung ibang magaganda binenta ko sa ukay para lang makakuha ng extrang pera, kaya naman wala akong nahakot kung hindi tatlong pares ng bra't panty, isang dress, dalawang pants, at limang t-shirt.
"O, aalis ka na?" tanong ng tito ko sa isang tonong parang hindi niya ako sinigawan at dinuro kagabi. "Bakit hindi ka muna kumain?"
"Okay lang po. Late na po kasi ako. Wala pong masakyan na jeep ngayon," sagot ko.
Lumabas ako ng pintuan with a promise not to go back. And even if I had to return, sisiguraduhin kong hindi na ako 'yung pamangkin na pwedeng basta-basta na lang hamakin.
At least 'yun ang intention ko.
Pero nang may magpaputok ng baril sa isang rally na nadaanan ko, biglang naudlot ang plano.
BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
Romance[TAGLISH] Andreya has become Mayari, the next Rana of Silang, an alternate Philippines where colonization did not happen and royalty still exists. Her to-be-husband, Raja Agares, is all charming and every bit the image of a perfect man. But their pi...