Thank you for the support last few chapters!
"Aalis muna kami, Mayari. May kailangan kaming ayusin tungkol sa pakikitungo sa media pati na...ibang bagay. Naibilin ko na sa mga lingkod mong magdala ng sabaw upang mahigop mo," sabi sa akin ng aking ina.
"Magpagaling ka, anak," sabi naman ng aking ama.
Tumango ako. "Opo," sagot ko.
"'Wag ka nang umiyak, ha? Babalik din kami." Hinawi ng aking ama ang buhok ko't tinapik ang balikat ko.
Tinuyo naman ng aking ina ang mga luha ko gamit ang isang panyo.
Pagkatapos nila akong yakapin at halikan ay umalis na rin sila. I wanted to ask them to stay. Namiss ko sila nang sobra, eh. There were so many things I wanted to talk to them about, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit na sila ang mga magulang ko, hindi sila ang mga magulang ko.
Super ironic, actually. I've never felt so alone. Hindi ko man lang masabi kung bakit sobra na lang ang pag-iyak ko.
They wouldn't understand anything if I told them the truth.
Siguro maiintindihan nila...pero maniniwala ba? I don't think so. Lalo na't galing ako ng aksidente, they would probably rule it out as some delusions.
Well, who's going to say they weren't? Paano kung nababaliw lang talaga ako? It wasn't unlikely. But it felt too real.
Sa pagliban ng mga magulang ko ng kwarto, lumapit namang muli si Yumi sa 'kin bitbit ang isang salamin.
"Dayang Dayang, ang salaming hiningi niyo." Ipinantay niya ito sa aking mukha.
Tinitigan kong mabuti ang repleksyon ko sa salamin. May mga galos ang sana'y makinis na mukha ni Mayari.
Mukha ko rin ito, ngunit marami kaming pinagkaiba. Kung pundasyon lang ang pag-uusapan, there was almost no difference between her and me. Pero compared sa balat kong madalas sunog dahil sa malimit na pagbiyahe at paglalakad sa ilalim ng araw, taglay niya ang kulay ng ginintuang palay. May pailalim na pagtatanso ito—kutis morena.
Maaliwalas rin ang mukha niya, malusog at bilog ang mga pisngi pero may magandang hubog ang noo't panga. Hugis puso, buong-buo pa ang mga labi. Makapal ang kilay pero hindi kalat, may konting arko papadulo. Makakapal din ang kanyang mga pilikmata.
There was probably only one thing na hindi naiba between her and me. Mga mata—mabilog, pero kumikitid habang ngumingiti. Kapag nakatitig, mukhang inosente at sincere...para bang hindi kayang magsinungaling.
This girl would be a national beauty. I felt a little jealous kasi nakita ko kung paano ko napabayaan ang sarili ko. Iba rin talaga ang effect ng kahirapan sa kahit kanino. Malakas maka-haggard.
So totoo nga 'yung kasabihang "walang pangit, mahirap lang talaga."
"Uray Mayari, ayos lang ba kayo? Kanina pa ho kayo nakatitig sa salamin. May mali ho ba?"
"Yumi..." simula ko, "may mga natatandaan na ako. Pero marami pa ring blangko sa alaala ko. Sabihin mo sa 'kin...bakit tayo lumuwas papuntang Maynila?"
Marami pa rin akong tanong na hindi nasagot ng mga alalaa ni Mayari. I felt a degree of alienation towards this world and my current identity. Gusto ko mang ituring ang sarili ko bilang siya, I knew in my heart we were technically not just one person. Oo, siguro, I was her, she was me. Ako siya sa ibang realidad. However, ibang-iba ang pinanggalingan at mga pinagdaanan namin.
So why was I here? Why was I in her place?
Patay na ba si Mayari...? Patay na ba...patay na ba ako sa kabilang mundo? What if naging ganito ang sitwasyon niya? What if she was in my body?
Ilang daang tanong ang nagliparan sa utak ko. Ibinaba ni Yumi ang salamin sa may lamesa katabi ng kama at saka umupo sa may silya malapit dito. Isinandal niya ang kanyang katawan sa kama't tinapik ang likod ng kamay ko.
"Dayang Dayang ko," malambing na sabi niya, "kung hindi niyo naaalala, nakatakda kayong ikasal sa bagong Raja ng Silang. Kailan lamang ay naipanalo ng dating Datu na si Agares ang pamumuno sa parehong Visayas at Mindanao. Kailan lang rin ay hinirang siyang bagong pinuno. Luzon na lamang ang natitira. Higit na ilang daang taon na rin ang nakalipas simula nang hindi magsama ang buong bansa sa ganitong paraan.
"Para masiguradong walang magiging balakid para sa Silang sa hinaharap, nagkasundo ang inyong mga magulang pati na si Raja Agares na itali ang lahat ng mga isla gamit ang inyong kamay sa kasal."
"Si Raja Agares..." Parang may batong biglang humarang sa lalamunan ko. "Pero...bakit?"
"Wala tayong magagawa, Dayang Dayang. Hindi kikilalanin ng mga taga-Luzon bilang Raja si Agares kung hindi kayo magsasanib-dibdib. Wala siyang dugong hilaga. Totoong moderno na nga lahat, pero ang kaisipan ng mga tao'y nanatili pa ring makaluma."
Huminga ako nang malalim. "Gustong kong mag-internet," sabi ko. "May cellphone ako, 'di ba? Pwede mo bang ibigay sa 'kin?"
Hindi sapat ang binigay na impormasyon ni Yumi. And I wasn't sure if maitatanong ko sa kanya ang lahat ng dapat at gusto kong itanong.
Magulo pati ang mga memories naiwan sa 'kin. My best choice right now would be to Google the heck out of everything...if Google still existed in this world.
First off, this "Philippines" was very different from the one I knew. Iba ang pangalan. Iba ang kultura. Heck, the government even maintained a monarchy—all because hindi na-colonize ang bansa ng mga Espanyol. It seemed like dumating pa rin naman ang mga missionaries nila. There was even a war. They might've even spread some influence to a shallow degree, pero hindi sila nagwagi sa pagsakop. How the Philippines managed to defend itself, I was not so sure just yet.
Because that scenario was an impossibility once upon a time. Yet here I am, in that very impossibility. Surreal.
BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
Romance[TAGLISH] Andreya has become Mayari, the next Rana of Silang, an alternate Philippines where colonization did not happen and royalty still exists. Her to-be-husband, Raja Agares, is all charming and every bit the image of a perfect man. But their pi...