"Raja Agares," simula ko.
First time kong magsulat sa baybayin. Hindi ako sanay, pero napakanatural ng paggalaw ng kamay ni Mayari. Katulad ng sa akin, medyo pabilog ang mga letra ng sulat-kamay niya. Maganda, diretso ang pagkahilera, at hindi dumidikit sa linya ng papel ang mga ito.
Nag-iisip ako kung paano magsasalita. Hindi ako si Mayari at hindi ko rin maalala ang mga sulatan nilang dalawa, kaya hindi ako sigurado kung magtataka siya kung bakit nag-iba ang tono ko. Minabuti kong iksian na lamang ang sulat, upang wala siya masyadong mahalata.
"Ikinalulugod kong matanggap ang iyong regalo. Salamat sa iyong pag-alala. Maganda ang itinahing damit ng inyong Inang Dayang, at isang malaking karangalan ito para sa akin na matanggap at maisuot.
"Malapit na ako makalabas ng ospital. Inaasahan ko ang unang pagkikita natin.
"Sa iyo,
"Mayari."
"Itupi mo na lang, Yumi, tapos ilagay mo sa sobre." Iniabot ko kay Yumi ang papel.
"Opo, Dayang Dayang," sagot ni Yumi. Tinanggap niya ito't marahan na itinupi at isiningit sa isang nag-aantay na sobre. "Babalik din po ako, Uray Mayari. Ipapasa ko lang po ito at ipapahatid sa Raja para sa inyo."
Yumuko siya sa akin, at saka lumabas.
Nang lumapat muli ang pinto sa dingding, hiniga ko ang ulo ko sa unan at huminga nang malalim. Kinuha ko ang smartphone na nagcha-charge sa bedside table at tinanggal ito sa saksak.
Binuksan ko ang Google at naghanap ng impormasyon tungkol kay Agares.
I've been holding back on Googling him. I managed to resist the past few weeks, pero naging breaking point itong sulat na 'to. I didn't think the internet was a reliable place to get to know somebody, especially 'pag galing sa perspective ng ibang tao. I wanted to rely on our first meeting to get an impression. Unfortunately, hindi na ako makapaghintay.
I might even have to wait longer to meet him. Hindi porket lalabas na ako ng ospital, makikilala ko na siya agad. Anyway, it wasn't too late to do a rumor versus actual person assessment later on.
Maraming litrato si Agares, at mukhang malaki ang reputasyon niya, lalo na sa mga mamamayan—not so much in Luzon, ngunit mukhang popular siya sa bandang Visayas at Mindanao. Kumpara sa 'kin na mala buwan sa pagiging misteryoso ang reputasyon, para siyang isang araw na maliwanag at matanyag na sumisikat.
Presence, charisma. He was probably that type who would fill the room full with himself just for walking in.
Kahit anong angulo ng mukha niya ay makisig, pero walang tatalo sa sideview niyang pamatay. Hind man masyado matangos, maganda ang angulo't diretso ang balingusan ng ilong niya. He had deepset eyes at mukhang mahaba rin ang kanyang mga pilikmata. Katambal nito ang mga kilay niyang malago—may arkong hugis alon, medyo makalat, at may peklat na lihis sa gitna sa isa rito. Mala Shawn Mendes, ganun.
Mahaba ang buhok ni Agares. Siguro shoulder-length. And this gave him that rugged, wild sophistication sort of aura. May konting pagkulot din siya, hindi sobra. Just enough to give him those tamed waves.
Kayumanggi siya, halatang madalas magbabad sa araw. Pero madalas siguro 'to mag-sunscreen kasi hindi naman mukhang sunog balat niya.
Natawa ako sa inisip ko.
Karamihan sa mga litrato niya'y nakadamit siyang tradisyonal, pero depende ito sa kung saan siya nadedestinong parte ng bansa at kung anong kadatuan at rehiyon ang dadalawin niya. Marami rin siyang mga tato. I recognized some as very prestigious. Hindi basta-basta ito pinipinta sa kung kani-kanino lang.

BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
Romance[TAGLISH] Andreya has become Mayari, the next Rana of Silang, an alternate Philippines where colonization did not happen and royalty still exists. Her to-be-husband, Raja Agares, is all charming and every bit the image of a perfect man. But their pi...