I've been in the hospital for around four weeks now simula nang maaksidente ako, maghihigit isang buwan rin. Within those four weeks, halos wala akong ginawa kun'di matulog at kumain. Dahil sa mga tinuturok nilang pain killers, madalas ding wala akong malay buong araw. Sa mga mabilis namang panahong gising ako, pinipilit kong matutunan ang mga bagay-bagay upang mapaghandaan ang paglabas ko't pakikisalamuha sa bago kong mundo.
There was a little too much to learn and get used to. Mga customs, mga mannerisms. Medyo na-culture shock ako—in my own country, no less...which was also not exactly my country. Mostly through observations and the internet, marami akong nalaman. Buti na lamang ay nandyan sina Yumi at ang iba pang mga lingkod ko upang alalayan ako. Malaking tulong din sila. I wouldn't know what to do by myself, otherwise.
Ang tawag sa mga lingkod ni Mayari—sa mga lingkod ko (since may term pala specific para sa kanila)...ay apid. Mga babae silang pinagkakatiwalaan sa mga bagay-bagay tungkol sa pang-araw-araw na buhay ng isang binukot na katulad ko. Sila ang nagsisilbing mga kamay at bibig ko sa panlabas na mundo. Kung hindi ako maaaring makita ng ibang tao o makausap, sila ang magiging tulay ng komunikasyon.
Siguro noong isinaunang panahon, sila rin ang bahalang maghanda ng ipapang-ligo, o 'di kaya siguro ng mga kakainin. Pero ngayon, marami na rin silang pang-modernong responsibilidad. Makeup, buhok, damit, siguro pati 'yung schedule.
Lalo na ngayong paparating na ang aking eighteenth birthday, although mag-iilang months away pa, dinagdagan na ang mga apid ko upang tumulong sa pagpapakilala sa 'kin sa buong Pilipinas—sa buong Silang. Technically, dito pa lang daw magsisimula ang official duties ko bilang 'prinsesa.'
Just great, Mayari. So ako pinag-iwanan mo ng mga responsibilidad mo. Tapos ayaw pang ibigay sa 'kin lahat ng alaala. Pa'no na tayong dalawa niyan?
So far, walang problema ang access ko sa mga skills and kaalaman niya, pero to what extent, I wasn't sure.
I continued observing the situation outside of the hospital through the internet. Kakasurf ko rito, I've more or less gotten the gist about this place.
One reason why ganoon na lang ang curiosity ng mga tao sa life-and-death situation ko, apparently, ay dahil inaasahan nilang ako ang hahawak sa isang titulong hindi na nahawakan mga...seventy years na ang nakalipas—at least since World War II.
Anyway, if ever matuloy ang kasal ko kay Raja Agares, babansagin akong Rana, isang posisyong mas mataas pa sa paghirang sa aking Inang Dayang. Kung isasama pa roon ang pagpapalaki sa 'kin bilang binukot, mas lalo pa ulit bibigat ang pangalan ko.
Silang hasn't had a queen—empress, actually—for a long time. This was why it was such a big deal.
Si Yumi ang pumalit sa posisyong naiwan ng matandang babaeng kasama ko noon sa aksidente. Napag-alaman kong Isla ang pangalan niya, at inalagaan niya ako simula pagkabata bilang apid ko. Hindi na ako makakarating sa libing dahil sa kondisyon ko, pero balak kong dumalaw sa puntod at kausapin ang mga naiwang pamilya kung sakali. The last part was not likely to happen. After all, I was in this sort of "sophisticated quarantine" churva. Hindi nila ako ipapakausap sa mga taong walang kinalaman sa proteksyon o mga pangangailangan ko, lalo na ngayong kakagaling ko lang sa isang aksidente.
For now, tatanggapin ko muna ang pagkikilanlan ko bilang si Mayari, bilang Dayang Dayang ng Luzon. It wasn't like I could do anything anyway. I could deny it all day, but that probably wouldn't change anything. Una sa lahat, nasa katawan na niya ako. I couldn't just yeet myself out of this body anytime I liked.
The faster I accepted my situation, the better I would be able to cope with it. I learned this the hard way sa dati kong mundo.
Ang ipinag-aalala ko lang ay kung mapapansin nina Yumi ang mga pagbabago ko—kung meron man.
BINABASA MO ANG
Parallel Hearts
Romance[TAGLISH] Andreya has become Mayari, the next Rana of Silang, an alternate Philippines where colonization did not happen and royalty still exists. Her to-be-husband, Raja Agares, is all charming and every bit the image of a perfect man. But their pi...