Chapter 6.2 ❂ Bahay Kubo

171 23 5
                                    

Ibinaba ko ang telepono at ipinikit ang mga mata ko. Sa mga alaalang bumalik sa akin, nakita kong marunong pala si Mayari sa iba't ibang regional languages galing buong bansa. Ilocano was just one among many.

Dahil na rin sa mga pinag-aralan niya bilang binukot at Dayang Dayang ng Luzon, compulsory ang pagiging marunong niyang makipag-usap sa mga lengguwaheng nasasakop ng teritoryo ni Amang Hari. Aside from the major languages sa Silang, medyo nakakaintindi rin siya ng iba—although not perfectly fluent, it was enough to get by.

There was probably only one language that she didn't know that I, Andreya, knew.

English.

Natawa ako. Kaya pala panay patranslate sa 'kin noong bawat kausap sa 'kin ng doctor na foreigner. Ni minsan 'di ko tinanong bakit ginagawa nila 'yun at hinayaan ko na lang. Maybe it was also instinctive on my part. Since dire-diretso pagtatagalog nila, ganun din ako sumagot.

All this time. Hindi pala marunong mag-English si Mayari.

Ha! Nakalamang din ako sa wakas!

Hindi nagtagal ay nakaalis na kami sa ospital at pumakalsada.

Ipinasak ni Lawin ang earpiece niya at wari bang nakikinig sa nagsasalita rito, "May mga ilang sasakyan na sumusunod daw," sabi niya sa driver.

"Ililigaw po ba natin, ginoo?"

"Hindi. 'Wag na. Alam naman nila kung saan tayo papunta," sabi ni Lawin. "Idiretso no mo na lang, pero sisiguraduhin mong hindi sila makakalapit nang husto."

"Opo, ginoo," sagot ng driver.

Hindi sila nakipag-high speed chase tulad ng nasa pelikula. Kasi naman siguro, sobrang traffic. Bago pa makaandar nang mabilis, nasa traffic light na kami agad.

I would have to admit I was a little disappointed. Still, I settled for the view from inside the car.

Nakita ko ang itsura ng syudad. Pamilyar ito na hindi pamilyar. Sa mga nadaanan namin, mukhang may Makati pa rin at may Edsa, pero may mga maliit na pinagkaiba.

"Dayang Dayang."

Tumingin ako kay Yumi.

"Simula ng paglabas niyo ng ospital, mananatili muna kayo sa bahay na inihanda para sa inyo," sabi niya sa 'kin. "Madalas po kayo dating dumalaw sa palasyong ito noong bata kayo, Dayang Dayang. Naaalala niyo po ba?"

"Hindi, eh. Wala pa rin masyadong nanunumbalik sa 'kin. Siguro kung makikita ko..."

"Walang problema, Uray. Uunti-untihin natin 'yan. Baka sakaling pagdating natin, may maalala kayo ulit," sabi niya sa 'kin. "Naku, Uray, napakaganda po ng lugar na 'yun. Ipinigawa 'yun higit na dalawang daang taon na ang nakalipas. Halos lahat ng naging Rana ng Silang ay doon tumuloy bago sila ikasal. Ang tawag nila ay Bahay Kubo."

"'Yun mismo pangalan?"

"Opo, dahil po iyon talaga ang pinagsimulan bago napalaki ng husto."

Natawa ako at naisip mag-joke. "Pero siguro hindi munti?"

"Hindi po," sagot ni Yumi habang nakangiti. "Pero maraming halaman na sari-sari."

"May singkamas, talong?" simula ko.

"Meron din po sigarilyas at mani," sunod ni Yumi.

"SITAW, BATAW, PATANIIII," kumanta kami pareho.

Humalakhak kaming pareho sa loob ng sasakyan. Nahuli ko si Lawin nang tumingin siya sa rearview mirror. May isang maliit na ngiting humila sa mga labi niya.

Shucks. Nahiya tuloy ako, pero hindi ko mapigilang tumawa.

"Alam niyo po, kamahalan, kung andito po si Manang Isla, papagalitan na po tayo nun," sabi ni Yumi. "Siya pa naman po 'yung pinakasabik na makita kayong ikasal."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon