Chapter 2.1 ❂ Mayari

258 46 25
                                    

Nagising ako isang hapon, mag-isa sa isang malaking kwarto. Matapang ang amoy ng disinfectant—waring pinaliguan ng Lysol ('yung blue) 'yung paligid. Nakakabit ako sa isang heart monitor at may nakaturok na IV sa kaliwa kong kamay. Kung hindi dahil sa mga ito, mas iisipin kong nasa hotel ako kaysa ospital.

Tall windows, tall walls—simple statement of luxury. Walang ibang tao sa kwarto. May aircon din.

Sa gilid ko ay may isang pabilog na lamesang puno ng fresh flowers. Matingkad at makukulay ang mga ito...definitely not the cheap kind either.

Mukhang private rin itong kwarto. Nangamba ako sa babayaran ko kung sakali. Wala akong pera. After all, I was just a broke as fuck college student. Magkanda suka-suka na nga ko sa siomai rice na binibenta sa labas ng school para lang makatipid--at swerte pa ako noon, ah. Sa'n ako kukuha ng pambayad dito?

Habang nag-aalala ako, nagbukas ang pinto at pumasok ang isang babae.

Sa unang tingin, mukhang medyo makaluma ang suot niya. But, looking closely, may mga modernong pagbabago rito. Her blouse echoed traditional Filipino attires, with woven patterns and stiff shoulders. Naghahalong pula at itim ito at nakaterno sa isang solid black flared trousers and high-heels. Nakapusod siya, with light makeup. Overall very simple, modern yet traditional.

Ito 'yung tipong isusuot ni Miss Universe 'pag paparada sa airport.

Nang makita niya akong nakatingin, napahinga na lamang siya sabay biglang napaluha.

"Uray Mayari! Gising na kayo! Uray Mayari!" patalon niyang sinabi.

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya upang humingi ng tubig, pero humagulgol siya't tumakbo ulit papalabas.

Wait lang, gurla. Ano ba 'yan!

Pagbalik niya, may mga hila na siyang mga nurse at doktor. Ang doktor ay isang banyaga, puti—mukhang Amerikana. Matangkad, nakadamit ng puting lab coat at may nakakabit na stethoscope sa kanyang leeg.

Hindi sila agad tumuloy sa kwarto. They stopped right by the door, lined up in a straight line and bowed deeply and uniformly. What more, when they came close, iniwasan nilang tumingin sa mga mata ko.

"Dayang Dayang Mayari," sabi ng doktor. Kahit medyo awkward pakinggan, maganda na rin sigurong sinubukan...Pero Duh-yuhng Duh-yuhng, huh, katuwa naman. "Your Royal Highness, my name is Georgina Ivans. I'm your doctor. I hope you'll pardon my disrespect in advance. It's my honor to serve you today."

Pagkasabi niya ng "Your Royal Highness," doon ako medyo nabigla. Ngayon ko napagtanto na ang Dayang Dayang siguro ay isang titulo o paggalang. Pero bakit ako ang tinatawag nila nito? Hindi ba sila nagkamali? Don't tell me nasira ang mukha ko at hindi nila makitang hindi ako 'yung Dayang Dayang na tinatawag nila?

Hinawakan ko ang pisngi ko, naghahanap ng mga nakapalibot na bandages kung sakali. Pero wala 'yung mga 'yun. Makinis pa nga, eh. Parang nabura ata 'yung mga pimples na nagsilutangan sa noo't pisngi ko noong isang linggo.

Tumingin ako sa paligid at naghanap kung saan pwede akong manalamin. May reflection akong nakita sa plasma TV na nakasabit sa ringding, pero masyadong malabo at malayo ito upang makita ko ang sarili ko nang maayos.

Since hindi ko naman makita sarili ko, better focus on the present. Anyway, manghihingi na lamang ako ng salamin mamaya pagkatapos nila akong bigyan ng tubig. Uhaw na uhaw na kasi talaga ako.

May dalang clipboard ang doktor. Mabilis niya itong binasa't sabay sinabi, "Charts are looking good. CTs came back clean." Iniabot niya sa nurse ang clipboard at ngumiti sa 'kin. "We're just going to perform some routine checks on you. Please bear with it for a while."

"Susuriin ka lang daw niya, kamahalan," sabi ng babae habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

Oo, gets ko 'yun. Ang 'di ko gets, bakit iyak 'to nang iyak. Like...hindi ko naman siya kilala?

Anyway.

Lumingon ako sa kanya. "Tubig..."

Tumango ang babae nang marinig ang pakiusap ko. Nagmadali siyang abutin ang isang pitsel sa bedside table at dahan-dahang nagsalin ng tubig sa isang baso.

"Saglit lang po," sabi ng isang nurse. "Mas magandang bigyan sila ng mga bulak na nabasa o kaya yelo. Baka mahirinan po kasi sila diyan."

"Ay, ganun ba? Sige." Ibinibaba ng babae ang baso ng tubig habang ang nurse ay nagmadaling umalis.

How long has it been since hindi ako nakapag-toothbrush? Kung pwede lang sana hindi ako haharap sa mga 'to nang hindi nakamumog eh. I guess all I could do right now was talk less.

Habang hinihintay ko 'yung tubig, sinuri na ako ng doktor. Una ay ang stethoscope sa dibdib, sunod naman 'yung manipis na flashlight na kinaway-kaway niya sa mga mata ko. Tinanong niya kung may masakit sa iba't ibang parteng pinagpipisil niya. Sinagot ko siya nang maayos, as best I could, pero nahihirapan pa rin akong magsalita dahil tuyong-tuyo nga 'yung lalamunan ko. In the end, I stopped trying to talk. I stuck to shaking or nodding my head to reply.

Hindi nagtagal ay bumalik din ang nurse dala-dala ang isang basong puno ng yelo. Kumuha siya ng isa at iniabot sa mga nagbabakbak kong labi.

Ay, sa wakas.

Mangilo-ngilo ngipin ko habang sumisipsip sa isang ice cube, pero napawi rin sa wakas 'yung uhaw ko.

Humingi ulit ako ng isa pang yelo at habang tinutunaw ko ito sa bunganga ko, nagsalitang muli 'yung babae sa aking tabi.

"Dayang Dayang, natawagan ko na ang inyong mga magulang. Papunta na ho sila," sabi niya sa akin. "Hindi madaling iwan ang mga tungkulin nila, kaya't pagpaumanhin niyo muna sila't unawain."

Ngayong nabasa-basa na ang lalamunan ko, mas madali nang magsalita. "Sino?"

Matagal nang patay ang mga magulang ko. Inampon ako ng auntie ko simula nang mawala sila. With this alone, I was further convinced na hindi ako ang Mayari na tinutukoy nila.

"Dayang Dayang, 'wag naman kayong ganyan!" Tumadyak siya.

Huminga ako nang malalim. Unfortunately, it hurt a lot whenever I took in too much breath all at once, so I had to tone down my frustration. Baka mapalala pa ulit 'yung mga sakit ko sa katawan. I really didn't want to stay here any longer than necessary.

"Bakit niyo ba ko tinatawag na Dayang Dayang?" tanong ko. Basag-basag ang boses ko, medyo nakakarindi pakinggan. "'Di ba kayo nagkakamali? Sino ba kayo?"

Napahagulgol na naman 'yung babae. "Dok...'di niya ako maalala."

"Your Highness, do you know where you are?" tanong ng doktor.

"Alam niyo ba kung na sa'n kayo, kamahalan?" sabi ng isang nurse.

"Sa ospital?" patanong kong sagot.

"You're at the Royal Medical Hospital of Manila," sagot ng doktor habang tumatango. "Ask her if she remembers what happened before the accident."

Royal Medical Hospital of—wala namang ganyan sa Manila, ah. Niloloko ba 'ko ng mga 'to?

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon