Chapter 5.2 ❂ Sulat

167 27 7
                                    

May mga wrapping paper na nakapatong sa damit. Lumapit ang ibang lingkod, hinawi ang mga papel na nakabalot dito at bahagyang binuhat ang damit galing sa box upang ipakita sa akin.

Hindi ganoon kakulay ang tela—simpleng pula, itim, at puti lamang ito. Ginawa nila itong two-piece suit na may blazer at skirt.

"Mukhang pamilyar yata ang disenyo nitong tela."

"Opo. Mahal na Dayang Dayang, sabi po ng nag-abot sa 'kin nito ay gawa sa tinalak ang tela ng damit na ito," wika ni Yumi.

"Tinalak? Iyong habi galing sa mga T'boli? 'Yung mga hinahabi nila galing sa panaginip?" tanong ko. Hinila ng ngiti ang mga labi ko at napatalon ako nang 'onti dahil sa excitement. "Totoo ba?"

Napatawa ang mga lingkod ko sa itsura ng mukha ko. "Opo, kamahalan."

Pumasok 'yoong mga alaala ni Mayari. Apparently, one of these costs at least ten thousand pesos a meter! Pero for skilled artisans na kilala sa community, maaaring umabot ng fifty to one hundred thousand.

Damn.

Minsan lang ako nakakita ng tinalak bilang si Andreya and it was because I took a course in college related to indigenous culture. Mahal ang mga ito at nasisira na nang paunti-unti ang tradisyon dahil sa kahirapan ng mga naghahabi, lalo na't ginagawa itong produkto para sa turismo. Kadalasan nagiging souvenirs sila ng mga foreigners. Hindi rin nareregulate nang maayos ng gobyerno ang mga ganitong bagay sa dati kong mundo, kaya't napapabayaan at maraming namemeke. But in this version of the Philippines...well, it seemed to be very well taken care of.

Dreamweavers ang tawag sa mga humahabi ng tinalak. Dahil ang mga patterns ng mga hinahabi nila ay galing panaginip.

Just imagine weaving something from a dream—it should be magical!

Hinaplos ko ang habi. Sa panloobang tela nito ay nilagyan nila ng malambot na seda na kulay perlas din, para siguro sa kaginhawaan ng susuot nito.

I wonder how much this cost? Komportable ang buhay ko sa dati kong mundo dahil parehong nagtatrabaho magulang ko, pero it was never in the level na kaya kong mag-afford ng mga hundred-thousand-pesos worth of clothes—or maybe salapi, kasi 'yun yung name ng peso sa mundong 'to. Anyway, sa itsura ng damit na 'to, it looked like nandun siya sa level na 'yun.

Actually, all of the clothes here were at that level. I would have never dreamed this ever.

Medyo stiff ang tinalak. As a result, the blazer had that beautiful square-shaped shoulders, and it was probably the type that wouldn't wrinkle even if folded in one place for too long. Hindi rin aabot sa pulso ang mga manggas neto, at mukhang pinutol lagpas lang 'onti ng siko. Nilatagan nila ito ng mga perlas bilang butones, while towards the ends and corners they decorated it with dark, color-matching sequins. Maganda ang epektong kintab at kutitap nito sa damit.

Hindi ganoon nakakasilaw. Sa tingin ko, tumatawag lang ng pansin pero hindi sumisigaw upang mapansin.

Si Agares kaya mismo ang pumili nito?

"Anong panaginip ng humabi neto?" tanong ko.

"Ah...Hindi ko po alam. Baka siguro po nakapaloob sa sulat ng Raja?" wika ni Yumi.

"Sige, patingin ako."

Nilabas ni Yumi ang isang sobre na nakalagay sa loob ng box at ipinasa sa 'kin. "Ito po."

Tinanggap ko ang sobre.

It smelled like flowers—or sampaguitas, more specifically. I wouldn't take Raja Agares as that type to perfume his letters, so inisip ko siguro sa papel mismo ito galing. Granted, may design din mismo yung sobre. Makapal ito at textured na may mga anino ng bulaklak kapag natapat sa ilaw. Binuksan ko ito at inilabas ang papel. Bumungad sa paningin ko ang isang magaang sulat-kamay. Makakapal ang linya, pero bahagyang numinipis pagpitik sa dulo.

Hindi pa rin ako ganoon kasanay sa pagbasa ng baybayin, pero nakikita ko kung gaano kaganda ang lengguwahe ng Silangan, ng Filipino, kapag nakasulat sa ganitong istilo.

______

Dayang Dayang Mayari,

Ipinapalangin ko kay Bathala ang iyong mabilis na panunumbalik-lakas. Kaakibat ng sulat na ito ay isang handog upang humingi ng tawad sa mga pangyayari. Ipinapangako kong pananagutin ko ang may sala. Sa mga lumalabas na imbestigasyon, ang mga puwersa ng oposisyon ang may pakana ng lahat.

Kasama ng sulat na ito ang isang damit. Dapat sana'y ibibigay ko ito pagtapos ng una nating pagkikita. Hinabi ito ng aking Inang Dayang at ibinigay sa akin para sa mapapang-asawa ko.

Siya mismo ang nagdisenyo at nagtahi ng damit. Ilang buwan rin bago niya matapos. Hindi ko alam ang sukat mo, kaya't pagpaumanhin mo muna kung hindi magkakasya.

Sa una nating pagkikita,

Agares

______

Medyo na-disappoint ako dahil hindi niya sinabi kung anong napanaginipan ng nanay niya bago niya hinabi itong tela. Pero I guess pwede ko naman siyang tanungin kapag nagkita kami.

Inipit ko ang labi ko, medyo nalungkot.

"May problema po ba?" tanong ni Yumi.

"Hindi. Pero ito lang ba mapagpipilian ko para sa isuot ko palabas ng ospital?" sabi ko. "Wala bang mas komportable? Masakit pa rin kasi katawan ko... saka wala naman ibang makakita..."

"Paano po? Shirt at jeans po ba, 'yung ganung klaseng damit?"

"Oo sana."

"Ah...magagawa naman po namin 'yan. Pasensiya na po, Uray, medyo nadala kami't nakalimot," sabi ni Yumi. "Itatabi muna ho namin mga ito. Irereserba na lang sa ibang okasyon."

"Sige." Tumango ako at umikot upang bumalik sa kama, dala-dala ang sulat ni Agares.

"Hindi po ba ninyo titingnan ang ibang mga damit?" tanong ni Ligaya.

"Sa susunod na lang," sabi ko. "Wala ako masyadong gana, nanghihina pa rin ako ngayon."

"Sige po. Ipapadala na po namin ito sa Bahay, at pwede niyong makita kapag nakalabas na kayo ng ospital."

Medyo nagbago ang tingin ko kay Raja Agares nang mabasa ko ang sulat niya. Although hindi pa rin nawala 'yung pag-aalinlangan ko...nabawasan pa rin. A gift from his mother was very intimate, medyo romantic pa nga.

Nonetheless, hindi pa rin ako sang-ayon sa pagpapakasal ko sa kanya, lalo na't hindi pa nga kami nagkikita. This was marriage, after all. At some point din siguro they'd expect us to have kids.

Crap. Wait lang, ayaw ko muna isipin. Saka na, saka na.

It was clear na sinusubukan naman niyang mag-reach out though and show his concern. I think it would be childish to turn him down and not reply?

"Dalahan niyo ko ng papel at ballpen."

"Balak niyo po bang sagutin ang Raja?" tanong ni Ulan.

"Oo sana. Hindi ba pwede?" tanong ko.

"Hindi naman po. Pwede naman po."

"Sige po, kamahalan. Masusunod po."

"Ako nang bahala," sabi ni Yumi.

Lumiban sina Ligaya at ang iba ko pang lingkod dala ang mga damit, habang nanatili naman si Yumi. Binuksan niya ang isang cabinet, naglabas ng papel at ballpen.

Inilapag niya ang bed table sa may kandungan ko at saka binigay sa 'kin ang mga hiningi ko.

It's late, pero Happy New Year!

Sana maayos ang simula ng taon niyo, more than mine lol.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon