Chapter 3.2 ❂ Silang

221 30 15
                                    

"Hindi na po namin nahanap 'yung cellphone niyo, Uray," tugon niya sa 'kin. "Pero ikinuha ko po kayo ng bago habang wala kayong malay. Inisip kong baka kailanganin niyo ito paggising."

Tumayo siya at pumunta sa may isang cabinet. Pagbalik niya, may ilang mga kahon na siyang dala. Nilatag niya ito lahat sa kandungan ko habang nakangiti.

Hindi isa, hindi rin dalawa. Tatlo. Tatlong phone.

"Ano...bakit ang dami?"

"Ah...noong nagtanong po kasi ako, maraming nagpresentang ipadala sa inyo ang mga ito. Wala po kaming binili sa mga iyan."

Tumalon ang kilay ko sa pagkamangha while checking out each box. May mga brand akong nakilala—Apple, Samsung—pero may isang brand na hindi ako pamilyar.

Gabay.

"Ano 'to?" tanong ko, sabay buhat ng Gabay na cellphone.

"'Yan po ang bagong labas na modelo ng Gabay."

"Gabay. Ano 'to, gawang Pili—Silang?"

"Opo, Dayang Dayang," sagot ni Yumi habang natatawa. "Pati ba naman ito nakalimutan niyo? Gabay po ang gamit niyong brand ng cellphone dati."

"Totoo ba?"

"Opo."

Good god. Philippines ng mundong 'to may sariling smartphone brand? Naaalala ko yung Cherry Mobile ko sa kabilang mundo. Although it served its purpose, it was more for practicality than competition. But this...mukhang mamahalin ito saka mataas ang specs. Lalo na't kasabayan niya 'yung bagong iPhone saka Samsung. I wasn't sure about this internationally, but it seemed like a heavyweight in this country.

Dahil nacurious ako, pinili ko ang Gabay.

It was beautiful. Medyo mabigat sa kamay, halos borderless at hindi makita ang front camera dahil nakapailalim ito sa screen. May matte finish ito sa likod saka apat ang camera.

"Hanep," bulong ko.

Hindi mahirap ang initial set-up ng cellphone na 'to. Pero medyo nanibago ako dahil naka-default ang language setting sa baybayin. Hindi ito 'yung ancient baybayin na makikita sa museum. Modern script na siya, with adjustments upang ma-accommodate 'yung mga foreign sounds and letters. Kind of like Japanese Hiragana and Katakana.

The bigger surprise here was the language option itself. Maliban sa Tagalog at 'Silangan'—ang bersyon nila ng Filipino, may Cebuano, Ilocano, Bicolano, and more. With about twenty or so other options available. It felt like almost every major Philippine language had been included in this phone.

Damn.

Thankfully, I could understand. Siguro namana ko rin ang mga kaalaman ni Mayari dahil kahit na nagulat ako bilang si Andreya, nakapag-adjust agad ang utak ko. Hindi na ako nahirapan.

Baybayin ang pagsulat, may sariling brand ng smartphone, monarkiya ang pamahalaan—ano pa? Ano pa ang susurpresa sa 'kin?

"May problema ba, Dayang Dayang?"

Umiling ako.

I felt hesitant about this situation at first, but looking at the strange and new world before me, whatever feeling of discordance and anxiety was washed away and replaced by curiosity and fascination. May second chance rin ako with my family. What more could I ask for?

"Hindi, wala." Ngumiti ko.

"Sige po. Lalabas lang po ako saglit. Binilin po kasi sa 'kin ng inyong Inang Dayang ang sabaw na ipapahigop sa inyo. May mga guwardiya rin po sa labas. Kung may kailangan kayo, magtawag lang ho kayo."

After I gave her a nod of confirmation, yumuko siya sa 'king muli at patuloy na lumisan ng kwarto.

Nai-connect ko agad ang bago kong phone sa internet ng ospital. Sa laking gulat ko, 5G pala ang wi-fi rito. Maliban doon, sobrang bilis ng internet speed. Halos 1 GB kada segundo.

I'm convinced. Hindi nga 'to Pilipinas.

But I wasn't complaining. Internet pa lang, very very satisfied na ako. Compared sa snail-paced internet connection sa dati kong mundo, major upgrade na 'to.

Or it could just be this place. After all, baka VIP service kasi dugong-bughaw ako sa mundong 'to.

Bubuksan ko na sana ang Google Chrome, pero may bumati sa 'kin sa ilalim ng news column sa homepage ng cellphone ko. I had to stop for a bit and read everything, because nearly all the content of the news had something to do with me.

'Dumating na ang Hari at Dayang ng Luzon sa Royal Medical Center of Manila,' basa ng isang headline.

'Ang Dayang Dayang: Malubha Ba ang Kalagayan?'

'Anong Masasabi ni Raja Agares sa Lagay ng Kanyang Mapapang-asawa?'

'Aksidente ni Dayang Dayang Mayari, Aksidente Nga Ba?'

'Tuloy Ba ang Kasal?'

'Ang Ambisyon ni Raja Agares sa Pagkakaisa ng Bansa, Mangyayari pa rin ba?'

Everything was full of news and speculation concerning my condition, pati sa mga galaw ng mga taong konektado sa aksidente ko. However, isang balita tungkol kay Raja Agares at sa 'kin ang nakahuli ng atensyon ko.

Napatigil akong saglit. May pangambang bumalot sa 'kin, with a hint of thrill and curiosity, habang pinindot ko ang article.

🩸 PAMPADUGO NG ILONG 🩸

Pilipinas = Silang

Filipino = Silangan

I changed the name of Philippines in this book. Reportedly, in history, the country was named after a Spanish king, called Philip (or sumt).

I know Philippines had names before it was called Philippines, but these names were names that other countries had for us. We didn't actually have a name for ourselves yet.

Hindi ko na rin muna iniba ang pangalan ng Luzon, Visayas, at Mindanao pati na ang pangalan ng mga syudad o bagay-bagay, kahit na malaki foreign influence sa mga ito (ex. San Pablo, San Vicente—Christian/Spanish influence).

Hindi ko rin maiiba ang Filipino unfortunately (Silangan), which has tons of Spanish influences (i.e. words like sige, pero, gwapo, kutsilyo, kusina).

I can't change the language, but I'll look for alternatives ng specific terms if I can.

Parallel HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon