04 - V

15 2 1
                                    

"Hiya! Good morning, Kyle!" I greeted him nang makasalubong ko siya na papasok sa gate ng school.

"Morning," he coldly responded. Ngumiti ako kasi at least nag-respond pa rin.

"Nag-breakfast ka na?" I asked bago kinuha ang food na nasa bag ko, "Ito oh, share tayo." I smiled.

"No, thanks. I don't eat breakfast."

"Ay talaga? Bakit naman?" Sinilip ko ang reaksyon niya. Bakit ko pa nga ba sisilipin, lagi naman blank ang expression ng mukha niya.

Sinundan ko lang siya sa paglalakad habang patuloy siyang dinadaldal. Paminsan ay tumutugon naman siya sa tanong ko pero one to three words lang siya kung sumagot. As usual, doing this for almost a month now, walang nagbago. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang mga mata niyang tumawa o kahit na malungkot o magalit. Anuman sa mga iyon ay wala.

I chuckles, "Ano oras first subject mo?"

"Exactly now," sagot niya. Huminto siya sa paglalakad nang matapat kami sa isang room.

He waited for me to leave, huli na nang mapagtanto kong nakaabot na kami sa room nila. Nawili ako sa kakadaldal ko sa kaniya. Naihatid ko siya sa room nila nang walang kamalay-malay.

Room 201, Architecture.


"A-ah," tanging nasambit ko. Sumilip pa ako sa room nila. Halos lahat ng mga blockmates niya ay nakatingin sa akin. Samantalang siya ay dire-diretso nang pumasok sa loob at naupo sa seat niya.

Nakita ko pang may mga lumapit sa kaniya at tinanong siya about sa activities nila and reporting.

I just waved my hands to him at nag-mouth na, "Una na ako." I left him a wide smile.

Nalaman ko na matalino si Kyle at dahil doon mas lalo tuloy akong humanga sa kaniya. Kaya pala ngayon ko lang siya nakita sa school na 'to dahil bagong lipat siya. Nag-aral siya ng early college sa L.A. pero balita ko ay nakapag junior high school na rin siya dito dati. About naman sa love life niya, wala akong balitang nasagap. Sa totoo lang, ang information na tulad no'n ay sa kaniya ko mismo gusto malaman.


"Ai!"

Napalingon ako sa labas ng pinto nang tawagin ako ng kaklase ko, may naghahanap raw sa akin. Agad naman akong lumabas upang silipin kung sino 'yon.

"Uy, Kai!" I hugged him.

"Luh?"

"Luh ka d'yan! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Napatingin naman ako sa mga kasama niya na malamang ay mga kaibigan niya, dalawang lalaki at isang babae.


"Nag-inquire kami. Mga kaibigan ko nga pala, si Vale."

"V nalang po," sabat ng nagpakilalang Vale.

"Haha. Saka si Rio at si Astrid," pakilala niya sa mga kaibigan niya. Sabay-sabay naman itong bumati sa akin.

"Ano pakay mo at dinaan mo ko?" I asked Kai, looking at him.

"Charan!" Tinapat niya sa mukha ko ang paper bag, na malamang ay may laman na food.

"Yey. Thanks, Kai!" I smile widely.


Midnight in San IldefonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon