Airi Hirano's POV
Three weeks ago, na-involve ako sa isang aksidente sa kalsada. Sakay ako ng tricycle pauwi ng bahay ng may saksakyang umararo sa sinasakyan ko. I was on the verge of death, I've been coma for a week and stayed at hospital for almost a month. Habang iyong driver ng tricycle na sinakyan ko ay wala na.
Nang magkamalay ako, si Kyle ang una kong nakita. Nakasandal lang ang ulo niya sa kama habang nakaupo. Naalimpungatan ata siya nang maramdaman na gumalaw ako. Agad kong napansin ang luha niyang mabilis niyang pinunasan. Hindi pala siya tulog, nakayuko lang. Tinawag niya ang nurse at nang matapos na akong i-check up, muling lumapit si Kyle sa akin para halikan ako sa noo.
"You've been sleeping for so long." He sniffed, "I thought you were going to leave me."
Hinawakan niya lang nang mahigpit ang kamay ko, hindi niya pa ako mayakap dahil may mga sugat pa ang ilang parte ng katawan ko. Ngumiti lang ako, medyo hirap pa ako magsalita.
"Get well soon. I badly want hug you,"
Tumulo nalang ang luha ko. Panigurado ay matagal 'tong nangulila na marinig ang boses ko. Nanatili lang siya sa tabi ko buong araw, kinukwento niya sa akin ang mga nangyari habang tulog ako.
"I wrote a poem for you, every night, while you were asleep." He extend his arms to give me a side hug, his head is level with my chest.
"You know what, we had another report presentation. I remember, you made my presentation before. I reused the template you made. I got a perfect score in my report, I was even having a bit of a mental block while presenting because I was already so tired, but I still got a hundred. I really wanted to see you right after class, Ai," pagsasalaysay niya
Nakatagilid lang ang ulo niya, hindi ko makita ang mukha niya habang nagsasalita pero 'yong boses niya, mahinahon at mahina. Naramdaman ko na medyo basa ang unan, I knew it, he's crying.
"I can't sleep without listening to your voice records. I miss your voice, Ai. I missed you a lot."
Naiiyak ako, hindi ako makapagsalita. Mas nakakatuwa dahil andaldal niya na lalo. Nakakatuwa rin kasi hindi siya umalis sa tabi ko. Nandito pa rin sila sa akin, hinintay nila akong magising.
___
Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Kyle nang makita ako muling nakasuot ng school uniform.
"I missed you, my beautiful girl."
Last week, nakauwi na ako sa bahay at nakapag pahinga pa ako ng three days. Ngayon ay balik school na ako, kasabay ko nga si Kyle na papasok dahil nauna nang pumasok si Kairi. Sinundo ako nito sa bahay sakay ng kotse niya.
"Don't tire yourself out, okay?" bilin ni Kyle sa akin nang makarating kami sa school, "Sabay tayo uwi mamaya," dagdag niya pa at tinanggal na ang seatbelt niya bago tinanggal rin yung akin. Sabay no'n ay hinalikan niya ako sa pisngi.
Tumango ako, "Okaaaay! Excited na ako pumasok! Panigurado umuulan ng activities 'yan!" biro ko sa sarili. Niyakap ko siya bago ako bumaba ng kotse.
Sabay kaming nagpunta ng room ko. Pinagtitinginan pa nga kami ng iilan, lalo na ang mga kaklase ko. Natutuwa sila at nakitang okay na ako. Nagpaalam na si Kyle na pupunta na rin sa room niya.
BINABASA MO ANG
Midnight in San Ildefonso
RomantikVasquez Series #4 Airi Hirano reflects on her day-to-day experience growing up in San Ildefonso. Suddenly, her life takes a dramatic turn after she meets the new head of the renowned Hayans fraternity. As she deals with this big twist, she struggle...