Lumipas ang sabado at linggo. Hindi ako pumasok sa work dahil ang sama ng pakiramdam ko. Nakapagpahinga ako kahit papaano sa loob ng dalawang araw na iyon.
Pumapasok nalang kami sa school para sa final requirements namin since tapos na ang final exams. Nagulat nga ako dahil sinabayan ako ni Kairi sa pagpasok.
"Chat mo ako kapag masama pa pakiramdam mo, ha," bilin niya. Parang mas nakatatanda sa akin ang dating niya.
"Wala akong load."
"Basta, gumawa ka ng paraan," dugtong pa niya bago nagpaalam.
Grabe, ngayon parang siya na ang panganay sa amin! Napansin kong nag mature na itong kapatid ko. Hay, ambilis naman ng panahon. Nakakaloka nga dahil napagkakamalan pa kami minsan na mag jowa!
"Airi!" bungad ni K sa akin, kasabay no'n ay nilapit niya ang kaniyang kamay sa likod ng tainga ko bago parang may kinuha.
"Pikit," utos niya. Bagay na ginawa ko naman.
"Sabihin mo munang 'happy ako'" panibagong utos niya.
"Happy ka," sambit ko, taliwas sa sinabi niya.
"Hay nako! Sige na nga, p'wede ka na dumilat," disappointed niyang sabi. Nang makadilat ako ay pinakita niya sa aking ang palad niya na walang laman bago sinarado iyon, muli niyang hinawi ang kamay niya at sa muling pagkabukas no'n ay mayroon na itong candy.
Tulad ng candy na lagi kong dala, may sulat iyon sa likod.
Be happy!
Pilit akong ngumiti, "Thank you, K at sorry."
Sabay kaming umakyat ng building papunta sa classroom namin. Parang wala pa rin akong gana ngayong araw. Pakiramdam ko ay mabibinat ako.
"Uminom ka na ng gamot?" tanong niya, bakas sa kaniyang tono ang pag-aalala.
"Hindi naman na masakit ulo ko. Wala lang ako gana ngayong araw," matamlay kong tugon bago ko idinukdok ang braso at mukha ko sa desk.
Ramdam ko ang marahan niyang pagsusuklay sa buhok ko. Narinig ko rin ang pagpapakawala niya ng malalim na buntong-hininga.
"Airi," panimula niya.
"Hm?"
"Malungkot ka pa?" patuloy lang siya sa pagsuklay sa buhok ko gamit ang daliri niya. Para na nga akong nakakatulog sa ginagawa niya.
"Hm." maikli kong tugon sa tanong niya. Bahala na siya manghula.
"May pinapasabi si Kyle— I mean si Migs, magkita raw kayo mamaya." pagkasabi niya no'n ay parang nabuhayan ang dugo ko.
He let out a little chuckle, "Grabe ha, biglang sumigla."
Sumimangot ako, "Gano'n ba kahalata na gusto ko siya?"
Walang pag-aatubili siyang tumango, "Kaya ka nasasaktan eh."
Umayos siya ng upo bago sinandal ang kaniyang likod sa upuan. Inayos niya ang buhok niya at minasahe ang kaniyang sariling kamay.
"After class daw sa lobby, CEA lobby," dagdag niya sa impormasyon na pinaabot ni Kyle.
"Gusto mo pumunta ako?" Ewan kung bakit ko tinanong sa kaniya 'yon. Para akong humihingi ng permiso kung papayagan niya ako.
Napahawak siya sa batok niya sabay naiilang na ngiti, "Bakit mo sa'kin tinatanong?"
"Kasi walang nakakapagsabi sa akin kung tama ang ginagawa ko " sagot ko. Siguro naghahanap lang ako ng guidance? Validation?
BINABASA MO ANG
Midnight in San Ildefonso
RomanceVasquez Series #4 Airi Hirano reflects on her day-to-day experience growing up in San Ildefonso. Suddenly, her life takes a dramatic turn after she meets the new head of the renowned Hayans fraternity. As she deals with this big twist, she struggle...