Valentine's day na pala bukas. Balak ko bumili ng bulaklak para kay Kairi, para maiba lang. This time ako ang magbibigay sa kaniya.
Nagkalat na nga sa labas ng school ang mga mama't ale na nagtitinda ng bulaklak sa labas. Napahinto pa ako para tanungin kung magkano iyon. Isang daan ang isang malaking rosas pero meydo palanta na. Lumipat ako at nagtanong-tanong pa sa medyo malayong pwesto, doon ay otsenta lang magkapareho rin ng laki at mukhang mas fresh pa nga ito kaysa sa nauna kong tinanungan.
Hindi naman ako bumili.
Balak ko ay babalik nalang ako mamaya after class o 'di kaya bukas para sakto sa araw ng mga puso. Umalis na ako kakatingin doon at pumasok na sa loob ng school.
Natutuwa ako sa isip ko kasi ang dami kong nakikitang mga estudyante na my hawak na bulaklak, sabik sa araw ng Valentines day. Iyong iba kasi walang pasok bukas dahil Saturday. Si Kyle, wala atang pasok bukas.
"Uy, mag-isa ka?" Sumulpot sa tabi ko si K habang naglalakad ako paakyat sa building namin.
"May kasama ako,"
"Sino?"
"Imaginary friend ko," biro ko. Napahawak nalang siya sa kaniyang batok. "Chulaloyd bless!" Pasalisi kong kinurot ang pisngi niya bago tumakbo.
Nahabol pa rin naman niya ako. Parang wala lang sa kaniya ang ginawa ko. Hahaha!
"May date ka ba bukas?" he asked, alam ko na kasunod nito, mang-aasar siya.
"Hmm. Wala."
"Kawawa ka naman." Oh 'di ba! Kabisado ko na ang isang 'to. Walang takas ang pagiging single ko dito.
"Ang yabang! Bakit ikaw meron?" I asked.
Nag-smirk lang siya bago sumagot, "Secret."
"Siguro hindi ka pa sure kung papayag yung ide-date mo 'no!? Hahaha!" tukso ko, "At least ako, kapag inaya ni Kairi for a sibling date, matic may date ako bukas," dugtong ko pa. Ginulo niya nang sobra ang buhok ko.
"O s'ya, sige na, ikaw na ang may ka-date." pahayag niya.
"At ikaw ang kawawa," tumatawa kong biro.
Pumasok na kami sa room, medyo tahimik ang klase dahil kaunti lang ang narito ngayon. Naglabas rin ng anunsyo mula sa Student Council ang pakulo nila para bukas sa Valentine's day.
Walang iba kun'di ang mga booths at ang walang kamatayan na 'wear your status shirt' tuwing sasapit ang pagdiriwang na ito.
"Anong kulay ang isusuot mong damit bukas?" I asked nang makaupo kami. Binuksan niya ang phone niya at tinignan ang official announcement tungkol doon.
"Ang corny," sambit niya habang tinitignan ang anunsyo tungkol doon.
"Para namang hindi ka pa nasanay magsuot ng uniform tuwing Valentine's day!" Patawa-tawa kong sabi at pabirong tinapik-tapik ang kaniyang balikat.
Ang status kasi kapag naka-uniform ay kill joy or kj.
"Hindi ako mag u-uniform, iba na status ng mga naka-uniform ngayon, study first na." Tawa rin niya, "Eh, hindi naman ako nag s-study first," dagdag pa niya. I-dog show ba naman ang sarili!
BINABASA MO ANG
Midnight in San Ildefonso
Любовные романыVasquez Series #4 Airi Hirano reflects on her day-to-day experience growing up in San Ildefonso. Suddenly, her life takes a dramatic turn after she meets the new head of the renowned Hayans fraternity. As she deals with this big twist, she struggle...