25 - Starlight

4 1 0
                                    

Akalain mong ma e-extend ang Valentines day ko? S'yempre, walang pasok ng Sunday kaya Monday na naibigay ni Kyle ang crochet flowers na siya talaga mismo ang gumawa. Anong ibig sabihin no'n, matagal niya nang ginagawa iyon?

"Ganda niyan ah. Sa'n galing?" bati ng katabi ko. Aba, himala! Nagpapapasok na ulit itong si K. Naupo siya sa tabi ko at tinanggal ang earphone sa tainga niya.

"Kay Kyle," sagot ko naman.

"Ah," Iyon lang nasabi niya.

"Ano, may nai-date ka naman ba noong Valentine's day?" I asked.

"Ako pa. Oh ba't ikaw mayroon?" bawi niya naman.


"Wala. Natulog nalang ako, duty ako kinagabihan," sagot, "At sino naman ang napapayag mong i-date?" s'yempre mosang muna.


"Nako, ikaw talaga. Mahalaga pa bang malaman mo 'yon?" Mukhang hindi niya gusto sabihin. Siguro ay takot lang itong ma-jinx.


"Oo naman, mag kaibigan tayo," natatawang sagot ko.


"Kaibigan lang?"


"Bakit ano gusto mo?" Nilapit ko ang mukha sa kaniya, tama naman ang naisip kong magiging reaksyon niya, lumayo nga siya agad. Natawa ako, "P'wede ring bestfriends," dugtong ko.


"H'wag mo na uulitin 'yon ah!" naiilang niyang sabi, sabay ayos ng kaniyang upo.


"Ang alin?" Tumawa ako, bago ulit lumapit. "Iyong ganito?" I teased. Umarte siya na parang kinikilabutan. Nako! Para rin itong kapatid kong si Kairi.


"Ang cute mo, K! Para namang takot na takot ka sa babae. May naging girlfriend ka na ba?" tanong ko.

"Sa pogi kong 'to?" aniya, hindi naman direktang sinagot ang tanong ko.

"Ano, wala?" pangunguna ko.

"S'yempre mayroon!"

"Weh? Kwentuhan mo ako tungkol sa kanila," sabik kong sabi. Marahan niyang pinitik ang noo ko.

"Isa si Trixie sa naging ex ko," sagot niya, bagay na kinabigla ko naman.

Ha? Kulang nalang ay pasukan ng langaw ang bibig ko dahil sa pagkagulat. Okay? Akala ko ay something like special friend lang sila. Hindi naman nila na-mention na special something pala iyon.

"Pero malapit rin siya kay Kyle, ano? Wala lang, napansin ko lang," tugon ko.

"Bakit, nagseselos ka?" Binigyan niya ako ng kakaibang tingin, iyong tingin na sarkastiko.

"Ba't ako? Baka ikaw. May feelings ka pa?" biro ko. "Anong nangyari?" pag-iiba ko. Interesado lang akong malaman ang mga tungkol kay K.

"Nagkasama kami sa isang contest noong elementary, siya ang partner ko sa higher year. Hanggang sa mag highschool gano'n kami, madalas pa kaming magkakasama noon mag-review pero lumipat siya no'ng nag 3rd year high school siya," paliwanag niya. "Naghiwalay kami noong mag 1st year ako. Nag-iba siya ng school isang taon pero bumalik rin no'ng senior high school na."

"Paano sila nagkakilala ni Kyle?" curious kong tanong.

"Nga pala, Vice president kasi siya ng Student Council noong senior high school na siya. Eh, s'yempre nasa drum team kami kaya cone-connections," paliwanag niya, "Naging kami noong grade 6 ako haha, nasa grade 8 naman siya no'n. Super bata pa kami."


Midnight in San IldefonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon