20 - The end is near

3 1 0
                                    

Cyrus Velasco's POV


Matagal na panahon ang nasayang. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa ala-ala ko kwento niya tungkol sa kung paano niya binaboy at pinagkaisahan ang taong matagal kong pinahalagahan at iningatan.

Narito ang lahat ng miyembro ng Hayans, maliban sa taksil naming leader na si Bryce. Umaga bago magdaos ng party ay naghayag si Koko na bubuo ng 'New Hayans' alinsunod sa nauna niyang anunsyo na kumalas sa grupo ni Bryce.


He really wanted to build his own big fraternity.


Sa kalagitnaan ng pagsasaya, matikas na tumayo si K sa indoor balcony at kinuha ang atensyon naming lahat. Hindi ko alam ang plano niya pero alam kong ito na ang hudyat ng matagal niyang nais gawin.


Ang magbayad kung sino man ang may sala sa pagkawala ng kaniyang kapatid.


Hinahanap ng paningin ko ang babaeng kasama niya kanina, si Airi. Hindi niya ito pinakilala bilang girlfriend niya noong una pero kanina lang ay biglang naging sila na.


"Fake," bulong ko sa sarili bago binalik ang tingin muli kay K.


"Hmm?" tanong ni Chim na nasa tabi ko.


"You think girlfriend talaga ni K si Airi, iyong babaeng kasama niya?" natatawang tanong ko. Tila hinanap rin ng mata niya ang babaeng tinutukoy ko at nang hindi matagpuan ay nagkibit-balikat nalamang siya.


"Bakit hindi ba?" Binaling niya rin ang atensyon kay K at pinagmasdan iyon.


"Nasa'n siya? Bakit trip mo ba ang bebot na 'yon?" dugtong na biro ni Chim.


"Gago," tanging nabulas ko.


Hindi siya girlfriend ni K. They've just trying to conceal something. He must be protecting that girl for some reason. Halatang namemeke sila ng relasyon sa tapat namin. K wouldn't hesitate to kiss his girl in her forehead kung totoong girlfriend niya ito. At isa pa, knowing him for many years, he swear not to fall inlove until mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid niya.


Bagay na mukhang nakalimutan na ng mga tangang nasa paligid niya. Talagang binaon na ata nila sa limot ang nangyari sa kapatid ni K.

"Chim, nasaan ang baril ko?"

"Sandaling katahimikan para sa lahat!" anunsyo ni K. Tahimik ang lahat pati na rin ang tugtog.


"Mayroon akong magic." Ngumiti siya. Halatang may tama na ng alak ang isang ito. He doesn't usually do things like this.


"What's that dude?" iritableng sambit ni Koko dito dahil naagaw sa kaniya ang spotlight.



Mula dito sa ibaba ay tanaw na tanaw ang tensyon na bumabalot sa pagitan nilang dalawa.


"But before that, let me remind you of the rules we had in the first place. Never betray your friends."

Tinaas niya ang baso niya na may laman na alak bago binitiwan iyon, dahilan para mabasag ang baso na hawak niya mula sa second floor hanggang sa sahig ng first floor.

Midnight in San IldefonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon