34 - On the other side

5 2 0
                                    

Klein Hipolito's POV

Napuno ang inbox ko ng messages at missed calls galing kay Min. Tatlong araw na kasi akong hindi nakakapasok. Noong isang araw, nag-overtime ako sa work, the next day, ni-review ko lahat ng kailangan para subjects namin, including the research. At kahapon, nagpunta ako ng hospital at nag-donate ng dugo for Airi.

Ngayon ay kailangan ko pumasok dahil title defense namin. Hindi pa ako nakakapasok ng room ay narinig ko na ang boses ni Min na tinawag ako.

"Kinabahan ako! Akala ko hindi ka na naman papasok e!" bakas sa tono niya ang pag-aalala.

"Sorry, may inasikaso lang. Ano oras tayo sa title defense?" I asked.

"Before lunch, tayo ang last," sagot niya at naupo na sa seat niya. Nilagay niya ang bag niya sa upuan ni Airi.

Antagal na rin na walang nakaupo doon. Hay, Airi.

"K, nabalitaan ko nag-donate ka kahapon. Okay ka na ba? Hindi ba mabinat ka niyan?" concerned niyang tanong.

Umiling ako, "Hindi naman. Kaya ko."

Nakapag-donate kaming tatlo nila Kyle at Kairi dahil pare-pareho kami ng blood type. Nagpapagaling na rin si Airi ngayon, actually napuntahan na siya ni Migs kahapon. Nang malaman 'yon ni Min, kinumbinsi niya agad ako na puntahan rin namin siya.

Ah, tangina. Ang shit ko.

Naalala ko na naman 'yong mga pag-iwas na ginawa ko sa kaniya buong bakasyon. I'm so devastated that time, that the only way I think to do is to keep myself distant.

Naalala ko rin noong nagka-trouble kami ni Migs. Nagalit ako sa kaniya kasi nakikita kong nasasaktan si Airi sa mga pag-iwas nito. Lalo na noong homecoming party, galit na galit ako sa kaniya no'n, tangina, pero wala pa rin akong magawa, siya pa rin ang gusto ni Airi. Siya lang gusto nito simula palang.

Naiinis ako kasi 'yong ayaw na ayaw ni Airi na pag-iwas ni Kyle ay ginawa ko rin sa kaniya. Knowing her pain before, ang gago ko.

She keeps on receiving cold and silent treatment from me. Iyon kasi naisip kong paraan para hindi naman ako gaano masaktan.

Bakasyon, nalaman ko na sila na ni Kyle at kay Min ko pa nalaman. Naintindihan ko naman na siguro gusto ni Airi ipaalam sa akin sa personal kaya hindi niya nasabi sa akin sa phone. Kasabay rin no'n, I deactivated my social media accounts, ewan, nagtampo ako. I kept myself busy para ma-divert 'yong nararamdaman ko. Gusto ko rin na mag-move on sa kaniya.

Two weeks before matapos ang bakasyon, I received a call from her. Gabing-gabi na no'n at natutulog na ako, pero nang sagutin ko 'yon ay bigla naman niyang binaba ang tawag. No follow up sa missed call na 'yon. I anticipated na wrong dial lang 'yon, so nangumusta nalang ako. I never visited her at shop, hindi ako ready makita siya but I kept on waiting for her reply pero wala.

The pain and resentment I had has reached its limit, napuno ako. So, I had to do something about it. I became distant, but I never get mad at her pero I won't be hypocrite, I was really hurt.

Tiniis ko siya sa loob ng tatlong buwan. Nahahalata na nga niyang gano'n and I felt sorry about it. At kahit makailang beses niya pa ako tinanong kung galit o nagtatampo ako sa kaniya, hindi pa rin ako umaamin. I feel like my pride is slowly killing me.

Midnight in San IldefonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon