Bandang hapon ay pumasyal kami sa mga known places dito sa Baguio, after nila malaman na first time ko lang dito makarating.
Galing kami sa Burnham Park, sikat ang lugar na iyon dito pero ang daming tao ngayon. Ang hirap kumuha ng magandang picture dahil sa crowded ang place kaya naman pumunta kami sa may Camp John Hay at si Eurie ang nagmaneho.
Puro puno naman dito, mas maganda mag-take ng pictures.
"Actually, sa tagal namin dito sa Baguio tumira. Ngayon na lang ulit kami nakapunta sa mga pasyalan dito," pahayag ni Eurie.
"Bakit naman?" tanong ko.
"This place is not the same anymore e."
Nai-kwento ni Eurie sa akin ang family background nila. Including her personal life, her late brother na nag-aral sa PMA dito sa Baguio and how things changed in this place.
"Insan! Naalala mo 'yong nadapa tayo ditong tatlo ni Leigh?"
May tinuro si Eurie na exact spot, halatang memorable ang lugar na ito sa kaniya na maski puwesto kung saan sila nadapa ay naalala pa niya.
"Don't mention it," pagsusungit ni Kyle.
Kahit pa sinabihan na siya ni sungit ay nagkwento pa rin siya tungkol doon, "Siya kasi unang natisod, pinag ti-tripan kasi nila ako ni Leigh." Natawa ako lalo.
She refused to admit that this place is really special for her. Halata naman sa mga mata niya na tinatago niya lang iyon, lalo pa't nang sinabi niyang dito nag-aaral ang espesyal na tao sa buhay niya.
"Punta kaya tayo insan sa Sakura?" mungkahi ni Eurie.
"Ang layo!" angal ni Kyle.
"E'di doon tayo sa Spade?" Hindi ko alam kung ano 'yong tinutukoy nilang Sakura at Spade but Kyle refused for both.
"Hindi ka umiinom?" gulat na tanong ni Eurie nang malaman na hindi ako umiinom.
"Oh? Tara doon!" Parang may sumanib sa akin na ewan at nasabi ko iyon. Kagabi ko pa gusto tumikim ng alak! Hindi ako pinagbigyan ni Kyle.
"Tara raw oh. Tagal ko na kayang walang ganap. Christmas naman na," Eurie justified, sabay tingin at kindat sa akin.
"Sa bahay ka nalang uminom," saad ni Kyle sa kaniyang pinsan.
"Bakit, bibilhan mo ba ako ng alak?!" hamon ni Eurie at hinawakan ang kaliwang balikat ni Kyle.
"Anything you want," he answered.
"Jose Cuervo?!" Ngayon ay dalawang magkabilang balikat na ang hawak niya kay Kyle.
Kyle nodded.
"Black label?" Niyugyog niya ang balikat nito habang patuloy na nagbabanggit ng mga hard drinks.
Kyle still nodded.
"Anejo?!"
"Henessy XO?!"
"Shut up, Eurie."
Pinanood ko lang silang dalawa mag-usap, ang kulit. Para silang mga bata na ewan. Ang cute ni Eurie, ang daming alam sa alak.
BINABASA MO ANG
Midnight in San Ildefonso
RomanceVasquez Series #4 Airi Hirano reflects on her day-to-day experience growing up in San Ildefonso. Suddenly, her life takes a dramatic turn after she meets the new head of the renowned Hayans fraternity. As she deals with this big twist, she struggle...