13 - A night hero

7 1 0
                                    

Tatlong araw nalang Christmas break na. Gaya nga ng sabi ni K, Christmas party ngayon ng drum team. Nahihiya rin ako tumanggi pero nagsabi ako na sasaglit lang ako dahil may aasikasuhin ako sa bahay. Nagdahilan lang talaga ako.


Sweet Night Summer Club


Pagpunta ko sa event place, maraming tao doon. Bukod sa mga regular customers ay mukhang kumpleto ata ang members ng drum team na narito. Mayroong limang malalaking table na occupied lang ng team. Ang iba sa kanila ay ngayon ko lang nakita. Nandito rin pala ang boyfriend ni Min, kumaway lang ito sa akin.

Hindi lahat ng member ng drum team ay kasali sa frat, pero karamihan sa kanila ay member ng Hayans.


Hinahanap naman ng mata ko si K, iniwan niya ako dahil may susunduin lang daw siya sandali. 15 minutes na ang nakalipas saka lang siya nakabalik. Biglang natahimik ang mga tao sa room nang pumasok si K. Kasunod nito ay si Cyrus at sa likod naman ni Cyrus ay dalawa pang lalaki. Halos magkakapareho silang apat ng taas, mga naka-casual attire sila. Naka polo shirt si Cyrus. Iyong dalawang lalaki naman na nasa likod niya ay parehong naka-dress shirt, kulay black at dark green. Hindi ko sila kilala pero nabigla ako nang batiin sila ng mga members.

"Uy si Supremo!"


That means, iyon si Zydrei? Siya ang leader ng fraternity sa all boy school. Siya ang tinatawag nilang Supremo.


Pinagmasdan ko silang apat habang nakikipag-interact sa mga taong nakapaligid sa kanila. Halatang masayang-masaya sila na makita ang bawat miyembro dito. Maya-maya pa't lumabas ang tinutukoy nilang Supremo, si Zydrei. At sa pagbalik no'n ay may kasama na siyang babae, actually dalawang babae. Bineso niya ang isang babae. Nagulat pa ako nang hinalikan niya naman ang isa sa labi, malamang ito ang girlfriend niya. Parehong mahaba ang buhok ng dalawang babae na iyon, pareho silang maganda at halatang balat mayaman na tila hindi nadadapuan ng lamok.


"Hey, sorry to keep you waiting. Tara kain na muna tayo." K suddenly appeared in front of me. Naharangan niya ang mga taong tinitignan ko, napansin niya naman iyon.

"A-Ah," Umupo siya sa tabi ko bago bumulong, "Iyong naka black si Zydrei. Iyong kasama niyang dalawang babae si Hailey, kapatid niya. At iyong isa si Cassandra, girlfriend niya, siya rin ang leader ng one soro."


Tumango-tango lang ako.

"E 'yong isa? Siya ba si Koko?" I asked, pertaining sa lalaking nakasuot ng kulay dark green na dress shirt, naka-unbutton pa 'yong unang tatlong butones niya.

Tumango si K bilang sagot.

Koko seems enjoying the party, kung titignan he has a jolly personality. Palabiro rin ito at mahilig tumawa. Maya-maya pa't nagawi ang tingin nito sa amin. Pansin ko na naging tense bigla si K nang maglakad papalapit sa amin si Koko.


"Tapos na akong kumain," sambit ko nang matapos. Ngumiti lang sa akin si K.


"Bro! Hindi ba siya 'yong girl last time?" bungad ni Koko sa amin. Ngumiti siya sa akin bago kumaway. Hindi ko alam ang ire-react ko. Nagpanggap nalang ako at ngumiti rin.


"Hi, I'm Koko. We met again... ambrosia." I didn't clearly hear his last words. Pabulong niya iyon na sinabi bago tumawa. Parang may specialized vocabulary ang frat nila, hindi ko alam kung ano meaning no'n pero I am offended.


Nagulat nalang ako nang iharang ni K ang kamay niya sa dibdib ni Koko. Nag peace sign si Koko habang tumatawa. So, may meaning nga ang sinabi niya!?


Midnight in San IldefonsoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon