Journal,
Marriage is sacred. It is the union of two hearts who have sworn to love each other, for better or for worse, in sickness and in health, till death do us part.
What if this marriage is the reason behind your fallbacks? Would you still remain true to your oath? Would you still love the person- the very same person whom you have entrusted your whole life even if this person destroys every surviving particle of your soul?
XXX
Kumusta? ako nga pala si Ben Joseph or you can just simply call me Ben. I am 30 years old, married at kasalukuyan na naninirahan sa Pilipinas.
Nag-iisang anak lang ako pero maipagyayabang ko naman na ako ay nakapagtapos ng pag-aaral at nakapagtrabaho bilang Information Technology Manager sa isang malaking company dito sa Pilipinas. Bilang isang IT Manager, madalas akong ipadala ng aming company sa ibang bansa. May pagkakataon pa nga na ako ay namalagi ng matagal sa Paris.
Masaya ang buhay may-asawa lalo na kapag kakasimula niyo pa lang. Mahal na mahal ko ang aking asawa na si Anne. Siya ang aking girlfriend noong college at hanggang sa alukin ko siya na magpakasal kami. Simple lang si Anne, ngunit mahal na mahal niya ako at ang pamilya ko. Dahil dito, nakita ko ang aking future na makakasama siya. Masaya si Anne sa aking mga achievements sa trabaho. Supportado siya lahat ng mga ginagawa ko.
Tuwing umuuwi ako galing Paris ay hindi ko kinakalimutan na bilhan ng regalong bag, relo at sapatos ang aking asawa dahil deserved niya iyon. Masaya ako na makitang masaya ang aking asawa sa mga dala kong pasalubong sa kanya.
Mayaman ang pamilya ni Anne. Kaya labis ang aking tuwa nang ako ay mahalin niya. Masasabi ko rin naman na bilang laki sa yaman si Anne ay mayroon siyang mga ways and attitudes na nadala na niya kasi noong mag-asawa na kami pero okay lang, ang importante, nasa tabi ko lang siya at minamahal ako.
Si Anne naman ay nakapagtrabaho sa isang IT Company dito sa Pilipinas. Tuwing umuuwi ako sa Pilipinas ay hindi ko kinakalimutan na i-date ang aking asawa. Kumain sa mamahaling restaurant at makapag-out of town. Sa edad kong ito, masasabi ko na nasa rurok ako ng tagumpay at ligaya- may magandang trabaho at siyempre magandang asawa.
Bumalik ako ulit sa Paris para ipagpatuloy ang aking trabaho na naiwan. Hindi biro ang aking trabaho dahil habang tumatagal ay mas lalong humihirap ito, pero hindi ko naman iniinda yun eh. Kasi ginagawa ko ito para sa pamilya ko.
Isang beses, nagising na lang ako sa Ospital. Bakit ako nandito? ang huling pagkakatanda ko ay nasa opisina ako ay nakaharap sa computer.
Ayon sa isa sa mga staff ko, ay bigla akong nawalan ng malay habang nagdurugo ang ilong ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinabahan ako, iisa lang ang laman ng isip ko. Mamamatay na ba ako?
Nabalik ako sa aking ulirat nang pumasok ang doktor at binasa sa akin ang resulta ng diagnosis. Nakakapanghinang malaman na ako ay mayroong Lymphoma o kanser sa Lymphatic System ko.
Napagdesisyonan ko na bumalik sa Pilipinas at dito ipagpatuloy ang aking pagpapagaling. Naisip ko, mainam na dito, kasama ko ang asawa ko at ang mga magulang ko.
Sumailalim ako sa surgery at chemotherapy. Subalit, sinubok ako. Mula nang magkasakit ako ay bihira na akong lapitan ng asawa ko. Natatandaan ko, kakatapos lang ng Chemo ko noon at hinang-hina ako. Gustong-gusto kong yakapin si Anne noon pero wala siya sa taabi ko. Nalungkot ako. Hindi ba dapat sa ganitong pagkakataon ay nasa tabi ko siya? Bakit pakiramdam ko ay napakalayo niya.
Sa tuwing naglalambing naman ako sa kaniya ay parang nadidiri siya. Bakit? dahil malaki ang ipinayat ng katawan ko? dahil nagbago na ang itsura ko? Dito nagsimula lahat ng masasakit na napagdaanan ko sa piling ni Anne. Parang mas pinapatay ako ng nararamdaman ko kesa sakit ko.
BINABASA MO ANG
A Wailing Soul's Journal
RomantizmCompilations of stories that will make your soul wail. Stories that somehow will comfort you in another way around.