09: Clash of Parallels

47 4 13
                                    

JASPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JASPER

Sa sandaling iminulat ko ang aking dalawang pares ng mata ay pinigilan ko ang sariling i-check ang cellphone ko. Siguradong masisira ang araw ko kapag may natagpuan akong kahit na anong notification na magli-link kay Anthony.

Not now, Satan.

I woke up earlier than usual. I don't know if it's because of the fact that I wasn't able to reply to Vince's message, or because I was thinking about how much I despise the man who just added me as his friend on Facebook. And guess what? I accepted it out of fear of losing my goddamn job.

Dahil alas nueve pa naman ang first class ko at alas sais pa lang ng umaga, naisipan kong mag-morning walk na muna papunta sa pinamalapit na bakery sa dorm ko.

On my way there, I can feel how cold the breeze of the morning air is. It's gliding in my skin, making my hair sway with it. I should do this more often. Sobrang nakaka-relax sa pakiramdam na damhin ang halik ng kalikasan sa iyong katawan. I feel so cleansed with positivity.

Alas otso na nang makabalik ako sa dorm. Hindi naman ako mabagal mag-ayos kaya sigurado akong hindi ako male-late sa klase. Habang nag-iinit ako ng tubig para magkape ay lumabas sa banyo si Jules; mugto ang mga mata niya.

“Oh, napano ka?” nag-aalalang tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.

He shook his head with a sniffle. “Naka-49 ako sa quiz namin.”

“Huh?” kumunot ang magkabila kong mga kilay. “Isn't that a good thing? Ang taas na ng forty nine, ah—”

“Out of two hundred fifty items.”

Natigil ako. Maya-maya pa'y bumagsak din ang panga ko sa matinding pagkabigla. “Uh, well, at least, hindi ikaw ang lowest—”

“Ako ang lowest,” sabat niya na muntik nang makapagpasamid sa akin sa sarili kong laway.

“Ng section niyo?”

“Ng buong department.” muli na namang nagtubig ang mga mata niya. “The scores were released an hour ago, and everyone must have saw me at the bottom of the list.”

“Uh—sige, iyak ka na lang nga.”

“Jasper!”

“What?”

“This is serious!” pagdadabog niya.

“I am serious!” hinigitan ko ang lakas ng boses niya kasabay ng pagtaas ng aking isang kilay. “That's honestly awful! Ang magagawa mo lang ngayon ay tanggapin at umiyak.”

Tinitigan lang ako ni Jules gamit ang pagod niyang mga mata. Hindi ko rin natiis at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. “Bawi ka na lang, okay?”

“Sa teacher o sa subject?” pagbibiro niya saka mahinang tumawa, ngunit ramdam ko pa rin ang lungkot sa tono ng pananalita niya.

“Sa subject, gago.” tinapik ko nang marahan ang ulo niya. “Pero send mo sa 'kin pangalan niya. Abangan ko sa gate mamaya—”

Glitters of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon