24: 'Twas Long Gone

93 5 6
                                    

JASPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JASPER

I was able to have a conversation with the dean for a moment before he asked me to sign the contract they've prepared. Ang nakalagay doon ay ang benefits na matatanggap ko mula sa university at ang ilan sa mga kundisyon nila kagaya ng required GWA na kailangan kong i-maintain at ang eligibility ng scholarship grant ay may bisa lamang sa loob ng university.

The conditions that they gave me aren't that hard to obey. Wala rin naman kasi akong balak na lumipat ng university dahil gustung-gusto ko rito, ano. But still, I guess they just had to make sure that everything is formally settled.

Kung tutuusin ay puwede na nga akong mag-quit sa trabaho dahil may matatanggap naman akong monthly allowance mula sa university, at sapat na 'yon para sa panggastos ko. Ang kaso lang, sanay naman na rin kasi ang katawan ko na magtrabaho, tsaka para na rin makapag-ipon ako ng perang maaari kong ipadala kina mama sa probinsya. Para makatulong na rin kahit papaano.

Nag-aayos ako ngayon ng sarili. Tahimik ngunit malakas ang kabog ng dibdib kong tinitigan ang bulto ko sa salamin. Jules is not yet home. He called me this afternoon. He was crying, and then he told me that he'll tell me something when he gets home, but until now, he's still not here. Tinawagan ko siya kanina upang itanong kung anong oras siyang uuwi. He just said that he's with his parents, having a little conversation. Medyo napanatag naman ako nang marinig na tumahan na siya sa pag-iyak.

Nakasuot lang ako ng gray loose shirt at ng short na abot sa itaas ng tuhod ko. Kakain lang naman kami ng ice cream diyan sa may korean mart sa 'di kalayuan kaya hindi ko naman kailangang mag-ayos.

Anthony is calling it an ice cream date. And whatever. Kung 'yon ang makakapag-satisfy ng ego niya, edi hayaan na natin. Para naman medyo makabawi ako sa pang-aalipusta ko sa kaniya emotionally nitong mga nakaraang araw.

I actually still feel guilty, of course, and I hope that this ice cream date would help me compensate for how I acted these past few days toward this man.

Sumunod si Anthony sa usapan. Saktong alas siete ng gabi nang mag-ring ang doorbell ng dorm namin. I rushed towards the door and opened it with a thudding heartbeat.

"I told you, I don't like waiting," bungad niya sa akin nang magtagpo ang aming mga tingin.

"I was twenty seconds late, bitch." Marahan ko siyang itinulak palayo dahil nakaharang siya sa pintuan. I shut the door behind us and started walking towards the exit of our building.

"Still late. What difference does it make?" He put his hands inside the pocket of his black hoodie. Kagaya ko ay nakasuot din siya ng shorts at isang pares ng itim na tsinelas.

"Ang arte mo. Kung masyado kang naabala sa dalawampung segundo, puwede ka nang umuwi sa inyo." Hinarap ko siya nang nakataas ang isang kilay. Gusto kong magpakabait kay Anthony ngayong gabi para sana makabawi ako sa mga nagawa ko kahit papa'no, pero iniinis talaga ako ng pagkatao niya, eh.

Glitters of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon