17: Way To Escape

46 3 14
                                    

JASPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JASPER

"Sigurado ka bang hindi ka pa sasabay sa 'kin?" tanong ko habang nakasilip sa awang ng pintuan ng kuwarto namin ni Jules.

"Oo nga, 'te. Una ka na." I saw him struggling to curl his hair. He dyed it green last night for today's program. Pinipilit niya pa akong kulayan ang buhok ko ng pink pero tumanggi ako. Allowed ang hair color sa university kahit na walang program, sadyang ayoko lang talaga. I like my hair black, the way it usually is.

"Okay, basta i-text mo na lang ako kapag nakarating ka na ro'n." ipinasok ko ang aking ulo sa kuwarto upang makuha ang kaniyang atensyon. "Jules, 'yung dorm, ha? Papatayin talaga kita kapag naiwan mo na namang bukas 'to."

"Oo na, boss. 'Ge na, alis na, ginugulo mo ako, eh."

I let out a sigh before shutting the door between us. Nagsimula na akong maglakad palabas ng main door bitbit ang isang beige tote bag. I didn't bring any notebook today because whole day ang program kahit pa ilang oras lang ang main event. The university decided to allot the remaining time for students to roam and enjoy the different booths that the clubs have prepared for everyone.

I'm wearing a blue jumpsuit with a white shirt underneath. Nagsuot din ako ng isang bonet na kulay peach para naman hindi plain tingnan ang buhok ko. I decided to partner my outfit with a white pair of Converse shoes.

I looked so gay. And that's the goal.

Bago umalis ng dorm ay tinapunan ko muna ng huling tingin ang pagkaing ipinadala ni Anthony kaninang umaga. He knows my address, so wala akong nagawa nang magpa-deliver siya ng pagkain. I didn't bother taking a look at those three paper bags that the delivery guy has brought this morning dahil hindi talaga para sa akin ang pag-aalmusal. I function well when the only thing that's in my stomach during morning is black coffee. On the other hand, Vince asked me if I ate my meal, so I sent him a photo of me and Jules eating lunch together that was taken weeks ago. Mabuti na lang at naniwala siya.

I rode my bike and strode my way to the university. Nang makarating ako ay kaagad kong ini-park ito sa designated area. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Bwiset—'yung stray cat na natagpuan ko rito sa lote noong nakaraan. I'm actually worried about him. Baka kung napa'no na siya kaya hindi na siya bumibisita pa rito.

Nevertheless, binuksan ko ang tote bag ko at inilabas ang isang kahon ng biskwit at bote ng gatas mula rito. I'm still hoping that he'd come back hungry, so I always leave food beside my bike. Palagi ko naman itong dinaratnan nang walang bawas pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang babalik siya.

Speaking of, bago ko pa man mailapag ang pagkaing dinala ko para sa kaniya ay may narinig na akong boses ng halinghing ng isang pusa. And I knew that moment that it came from him, from Bwiset. I sprung from my position and quickly searched where the sound came from. Natagpuan kong nandoon siya sa parteng designated para sa four-wheelers na sasakyan.

Glitters of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon