16: Two Offered Breakfasts

43 3 15
                                    

JASPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JASPER

I led Vince the way, just like what he instructed me. Hindi na lang namin pinansin pa ang nakabusangot na pagmumukha ni Anthony na ngayo'y nakatitig na nang masama sa aming dalawa ni Vince. Nakakasira talaga ng araw ang buong pagkatao niya.

Inihatid na namin sa gymnasium ang mga box na iniutos nilang kunin mula sa stock room. 

Since may mga kasama kaming ibang arts at engineering students from different campuses, we decided to assign tasks to each other. Natoka sa aming tatlo nina Vince at Anthony ang sa balloons.

"Punta muna kaya tayo sa university park para at least hindi masyadong masikip 'yung space? Marami-rami rin kasi ang lobong kailangan nating hanginan."

"'Yoko nga," mabilis at walanag anu-anong sabat ni Anthony.

Bago ko pa siya mapanlisikan ng mga mata ay narinig ko na ang tugon ni Vince. "I agree. Para na rin hindi na tayo mag-occupy ng space pa rito."

"I agree nyenye. Pa-ideal man amputa," I heard Anthony mimic Vince through a whisper. Hindi ko na lang pinansin pa ang panggago niya't ibinaling na lang kay Vince ang atensyon ko. 

"Let's go get a big plastic bag para may lalagyan tayo ng mga nailobo  nang balloons."

"Right. May napansin akong bulto ng plastic bags doon kanina sa stock room," uttered Vince. "I'll go get them."

"Sasamahan kita."

"No need, Jasper. Mas maigi kung dumiretso na kayo sa park to make sure na may space para sa atin." he tapped my left shoulder with his right hand. "At para na rin hindi ka na mapagod pa."

"'K, sabi mo, eh, lover boy," rinig ko  na namang bulong ni Anthony kaya  kaagad ko na siyang nilingon upang samaan ng tingin. Nagkibit-balikat lang ang mokong habang nakasilay ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.

"But—"

"You heard him, Jasper," buwelta ni Anthony. Naramdaman ko ang biglaang paghila niya sa aking kanang braso dahilan upang muntik na akong matumba.

Vince rushed towards me and seized my body in order to prevent me from falling. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya habang aligagang sinisiyasat ang braso kong ngayo'y hindi na hawak pa ni Anthony. Before I could even nod to assure him that I'm fine, he already shifted his gaze to Anthony. "Don't pull him like that, bro. That's just so wrong."

"I didn't pull him that hard," pangangatuwiran ni Anthony. I feel like he felt being attacked that's why his arms are now crossed. "Hindi ko kasalanang mahina 'yang manok mo."

Vince stared at him in the eyes. "Kung ako ang pagtitripan mo, mapalalagpas ko pa, bro. But don't ever lay your hands again on Jasper with such force."

"Or else what?" panghahamon ni Anthony.

Glitters of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon