22: First to Get Two

37 3 4
                                    

JASPER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JASPER

Today is the program held by our university. Halos dalawang buwan din nilang pinaghandaan ang araw na 'to kaya nasisiguro kong mas magarbo ito kumpara sa nakaraang events na isinagawa ng bawat department. Since wala ngang dress code ang university ay nakasuot lang ng crop top at baggy jeans si Jules, samantalang ang suot ko nama'y ang uniform para sa Arts department. Kahit pa kasi gano'n ay required magsuot ng uniform ngayong araw ang mga participants sa bawat contest at isa na nga roon ang quiz bee.

Nakasimangot kong hinayaan si Jules na ayusin ang buhok ko. He told me that since the contestants are not allowed to wear what they want today, he said that he'll fix my hair instead. "May hinabilin sila tungkol sa damit, pero wala silang sinabi tungkol sa hairstyle niyo," saad niya habang tahimik na pinaplantsa ang bawat hibla ng aking buhok.

"Quiz bee ang pupuntahan ko, Jules, hindi beauty pageant." I checked the time on the screen of my phone. It's 7:24 in the morning, two hours before the main event of the program.

"Eh, kahit pa. Hindi pwedeng pumunta ka ro'n na mukha kang pinabayaan, 'no." Jules gave me a side eye look. "Kaya mo naman ma-achieve ang beauty with a brain, so bakit ka magse-settle sa isa lang?"

"I still have to review my notes."

"Tumigil ka nga muna sa karereklamo, Jasper." Sinamaan ako ng tingin ni Jules. "Nadi-distract ako sa 'yo, eh. Onti na lang, sasabunutan na kitang bakla ka."

Hindi ko maiwasang mapanguso at tahimik na hinayaan na lang si Jules sa ginagawa niya. I can see what he's doing by the reflection on the mirror. Matapos niyang maplantsa ang aking buhok ay naglakad siya patungo sa drawer niya. He then strode towards me with two clips on his hands. "Pili ka."

Ang nasa kaliwang kamay ni Jules ay tatlong clip na tila tumutubong halaman, at ang nasa kanan nama'y isang kulay pulang laso.

"Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Parang sobra naman ata 'yan, Jules."

Pumili ka na lang kasi." Bakas ang pagkainis sa tono ng pananalita niya kaya muli ko na lang itinuon ang tingin ko sa dalawang pang-ipit na may magkaibang disenyo.

The grass plant would make me look like a kid, but the ribbon is too big for my head. Hindi ko talaga alam kung anong pipiliin ko kaya humingi ako ng tulong kay Vince. I took a picture of the clips and asked which he likes more.

Vince: The plants. I think they would complement the uniform of your department.

You: ok. see u latuuur

Vince: Okay, sunshine. Btw, would you like any specific food rn?

You: di na. bili na lang tayo ng kikiam sa labas

Glitters of the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon