Tuliro akong nagmamaneho at napa-preno ako nang malakas nang may nakitang mga tao nag nagkukumpulan at nagkakagulo.
Doon ay may nakita kaming taxi na nabungo at tumilapon pa. Sa tansya ko sobrang lakas ng impact no'n kaya nagkagan'on.
'Wag naman sana si Lia 'yon.
Dali-dali kaming bumaba sa kotse at nakisiksik sa mga tao upang makita ang insendente.
“Excuse po! Excuse po! ” sigaw ko habang sumusuot sa 'di mahulang karayom.
“Excuse me po! Sorry po! Excuse po! ” sigaw ng mga kaibigan namin habang nakikipagsiksikan din.
Hanggang sa makarating na kami sa bangkay ng babae.
Jusko po!
Parehas sila ni Lia! Parehas sila ng damit.
Tumulo ang luha ko.
Hanggang sa ang mga pulis ay itinihaya ang bangkay ng babae.
Natatakpan ng buhok ang mukha niya kaya hindi makita.
Unti-unti kong tinaggal sa mukha niya ang buhok niya.
Nabigla ako sa nakita ko.
Hindi siya si Lia.
Sana ligtas ka, Lia.
Kung asaan ka man ngayon, sana nasa mabuti kang kalagayan.
Umalis na kami sa mga tao.
May over looking kaming tinigilan.
Napa-sign of the cross ako sa nalaman ko.
Nanghihina akong napaluhod sa harap ng mga kaibigan ko.
“Lia…Lia…”
“ Si, hindi matutuwa si Lia kapag nakita ka niyang nagkakaganyan.”
“Si, magkakaayos din kayo ni Lia. ”
Magkaka-ayos pa ba kami?
Siguro kung ako si Lia, malamang hindi na. Dahil nangako ako tapos hindi ko tinupad. At nasaktan ko pa siya.
Lia's POV
Nakarating na ako sa condo.
Nagbayad na ako sa taxi at binigyan siya ng malaking tip dahil malayo-layo rin ang binyahe niya.
“ Salamat po kuya”
“Salamat din po ma'am. Sana po magka-ayos kayo ni sir. Payo ko lang po ma'am, pagsubok lang 'yan, malalagpasan niyo po 'yan. Habang tumatagal kayo sinusubok po talaga kayo ng problema pero sana huwag po kayong babagsak. Sana sabay niyo pong labanan ang problema na 'yan. ”
“ maraming salamat po tatandaan ko po 'yan. ”
Pagkapasok ko sa condo ni Simon ay bumuhos ang luha ko.
Ang mga alaala sa condo na ito.
Kahit mahigit isang buwan pa lang kaming nagkakakilala ni Simon ay pakiramdam ko higit sampung taon ko na siya kasama. Lahat ay nalaman niya na tungkol sa akin. Minahal ko siya ng lubos.
'Yung pakiramdam ko dati na hindi ko kayang iwanan siya. Pero ngayon, eto kailangan kong gawin. Kailangan ko siyang iwanan. Siguro everything happens for a reason. Siguro mas makakabuti sa amin kung mag separate kami ng paths.
Sa bawat sulok dito sa condo ni Simon ay may mga alaala na tumatak na sa isipan ko.
Pa'no ko siya malilimutan?
Kinuha ko ang maleta ko at pumunta sa walk-in closet ni Simon.
Isa-isa kong nilagay ang gamit ko roon.
BINABASA MO ANG
Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)
Fanfic(short chapter.) Business or love? Alin ang mas uunahin mo? Ang pagmamahal ba o ang business? Lia Cassandra Nicolette M.Gomez a party girl met a boy , she doesn't know that the boy she met is the 2nd son of a politician. simon is the 2nd son of t...