29

89 5 3
                                    

Simon's POV

Wala kaming pasok ni Lia ngayon at sa mga susunod na araw. Pero natatakot ako... Natatakot ako na baka masira ko ang schedule niya kapag inaya ko siya.

Naghanda muna ako ng breakfast namin para panandalian kong makalimutan ang iniisip ko.

Biglang may yumakap sa likuran ko.

"Morning" pumunta siya sa harapan ko at hinalikan ako.

"Morning"

"lets eat na" pag-aya ko sa kanya habang inilalagay ang mga niluto ko sa dining table namin.

" Sorry shymon 'di ako nakatulong sa pag prepare mo ng breakfast natin. 'Di kasi ako nagising ng maaga" she apologized

" that's fine Lia. Hayaan mo na pagsilbihan kita today" i said

Alam kong pagod ka...

" Thank you talaga Shymon. Andami ko na tuloy utang sa'yo "

" Ano'ng utang? Kiss lang ok na"

" tsk"

"Seryoso"

" Hay... Shymon"

May tumawag sa phone niya. Tumusok siya ng isang hotdog sabay kagat at sagot ng cellphone niya.

Lia's POV

Ang aga-aga atang tumawag ni Seah.

Himala! Nagising ng maaga ang babaita.Kahit wala kaming pasok.

[ Gaga! -]

" Agang-aga Seah 'gaga' ang bunggad mo sa'kin? "

[ Serry nemen. Eto na nga] pabitin talaga 'tong si Seah

" ano 'yon? "

[ Naipon ko na 'yung money tapos nakapamili na rin ako. Nakapag repacked na rin ako.  pupunta tayo sa mga bata at may mga kailangan ng foods.]

"That's a good news! Kailan ba? "

[ Now] excited na saad ni Seah

" bakit ngayon mo lang sinabi? "

[ Ngayon lang din kami natapos , e. Tanong mo bebe mo kung sasama]

" Shymon! Sasama ka ba? "

" Saan? "

" Di ba inipon 'yung tig pa-five k na binigay natin kay Seah. Nakapamili na siya at na repack na. Kung sasama ka raw ba sa pamimigay? "

" yes! "

" rinig mo naman siguro Seah 'no? " Saad ko kay Seah

[ Naman sis! Loud speaker mo nga]

Ay nag-utos pa si Gaga

Niloud speaker ko ang phone katulad ng utos ni Seah.

[ hoy Simon! Ingatan mo 'tong kaibigan ko! Pakainin mo! Ikaw Lia, 'wag bastos ang utak!]

" maka-bastos 'to. Di ka bastos? "

[ Bakit? May sinabi ba ako?]

'yan tayo e!

" Seah, don't worry aalagaan ko 'tong kaibigan niyo" simon said

Nagka-usap lang kami ng saglit ni Seah. Kumain na rin kami ni Simon.

Sumandal muna ako kay Simon habang gumagawa ng designs.

" Ganda naman! "

" tsk. Hindi pa kaya"

" for me maganda na 'yan"

" hindi pa tapos"

" 30 minutes ligo na tayo" he reminded me.

Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon