Alalay alalay ko si Simon habang bumababa sa kotse.
"YAYA! HELP ME! YAYA OPEN THIS FUCKING DOOR"
Sumigaw muli ako, dahil mukhang walang nakarinig ng tawag ko.
"YAYA!"
Bumukas ang pintuan.
"O Lia! Bakit kasama mo 'yan?"Tanong ni Yaya.
"Mamaya na ako magpapaliwanag 'ya, help me first. Hindi ko na siya kaya." Sagot ko. Pumunta siya sa kabilang side ni Simon upang matulungan akong maalalayan si Simon na ngayon ay lasing na lasing.
Nilagay namin siya sa upuan at pinaupo. Dali dali akong kumuha ng maligamgam na tubig.
"I love you Lia." Rinig kong saad ni Simon.
Pagkatapos ko kumuha ay bumalik ako sa kanya at pinakuha si yaya ng bimpo na pamunas kay Simon. Kumuha siya at binigay sa akin. Nilublob ko sa maligamgam na tubig ang bimpo at ipinunas kay Simon iyon.
"Mahal ka pala e." Saad ni yaya
"Yaya naman e"
" Lia, kahit lasing tingnan mo sabi pa rin ay mahal ka niya."
"I love him too, 'ya."
" Mahal niyo pala isa't isa, ba't hindi niyo muna ayusin ang problema niyo at ituloy niyo ang naudlot niyong pagmamahalan. "
" Baka hindi na rin pumayag itong si Simon dahil sa mga nangyare sa amin at sa mga ginawa ko noong nasa London pa ako. " Saad ko habang pinipiga ang bimpo na pinunas ko kay Simon.
" Ano ba ang ginawa mo sa London upang hindi ka niya mapatawad? "
" I entertained Ace. Bilang nililigawan niya ako, may mga time na pumapasyal kami at nakikita kami sa public at napipicturean. We had a fake relationship, at nakabuti 'yon sa kumpanya. Pero swear si Simon pa rin ang mahal ko."
" May pagkakamali ka rin Lia...kayo ni Ace, pinaglaruan niyo ang public for companies sake."
" Yes, yaya, pero kapag naging kami ni Simon, malilito ang public. We can say naman na naghiwalay kami pero syempre connected ang family namin malilink at malilink pa rin kami sa isa't isa. Tsaka alam mo namang politics ang pamilya ni Simon habang kami, business although sa side ng mom niya business rin sila. "
" Bahala na kayo sa magiging desisyon niyo. Matatanda na kayo, kaya alam niyo na 'yan." Saad ni Yaya habang nilalagay si Simon sa bed ko.
Tumango na siya at umalis.
Ako at si Simon na lang ang naiwan sa kwarto. Hinubad ko ang polo niya at kumuha ng bimpo at tubig at pinunas sa katawan niya. Kumuha na rin ako ng damit sa kwarto ni kuya. Sinilip ko muna si Ali. Mahimbing ang tulog niya na katabi niya ang teddy bear niya. Muli ay bumalik ako sa kwarto ko upang mabihisan na si Simon. Matapos kong mabihisan si Simon ay kinumutan ko na siya at inayos ang unan niya.
At ako naman ay naligo muna. Humarap ako sa salamin at biglang nagflashback lahat ng nangyare sa amin ni Simon, mula sa pagtawag ng ex niya hanggang sa pag-alis ko at sa muling pagkikita namin. At natapos na akong maglinis ng katawan at nagbihis na ako. Tsaka ako tumabi sa tulog na mahimbing na si Simon."At sa kabila ng mga nangyayare sa atin, mahal pa rin kita Simon." Saad kong pabulong.
"Lawve youuu chu" saad ni Simon.
Alam kong lasing ka pa ngayon at hindi pa alam ang sinasabi mo ngayon, kaya hahayaan muna kitang magising at mahimasmasan para kinabukasan ay malaman natin bukas ang mga gusto mong sabihin at mangyare.
_______________
Kinabukasan
_______________Maaga akong nagising. Sa totoo lang, hindi ako masyadong nakatulog sa pangambang ako na lang ang nagmamahal sa aming dalawa dahil sa nangyare. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo sa desk ko at ang lighter. Pumunta ako sa balcony ng aking kwarto at sinara ang pintuan sa loob upang 'di pumasok sa loob ang usok kapag ako ay nagsmoke na. Umupo ako habang tinitingnan ang pagsikat ng araw. Sinindihan ko ang isang stick ng yosi at pinagmasdan ang napakapandang pagsikat ng araw, habang pilit na iniisip na maayos pa kami ni Simon. Ilang minuto rin akong naglagi sa balcony, hanggang sa napagpasyahan ko na bumalik na muli sa loob. Inupos ko muna sa ashtray ang cigarette bago pumasok. Naabutan ko ang pupungas-pungas na si Simon.
BINABASA MO ANG
Business Or Love? (Simon Marcos Fanfic)
Fiksi Penggemar(short chapter.) Business or love? Alin ang mas uunahin mo? Ang pagmamahal ba o ang business? Lia Cassandra Nicolette M.Gomez a party girl met a boy , she doesn't know that the boy she met is the 2nd son of a politician. simon is the 2nd son of t...