Siya si Valerie (va-le-ri) o mas kilala sa tawag na Val. Kasama niya sa pamumuhay ang kanyang tiyahin at anak nitong lalaki na limang taon pa lamang.
Sa hirap ng buhay ay tinatahak niya ang kung sari-saring trabaho para lamang kumita at may ipangtustos sa araw-araw na gastusin.
Simula bata pa lamang ay iniwan na siya ng mga magulang niya kaya tiyahin niya ang nagaalaga sa kaniya. Ang tiyahin niya ang nag-iisang kapatid ng kanyang ina, ito rin ang nakababatang kapatid nito. Kung kaya't para makabawi ay siya ang nagtatrabaho para sa mag-ina para may maipangtustos sila sa kanilang mga pangangailangan.
Matagal na siyang binabangungot at kung sari-sari na ring kababalaghan ang nararanasan niya ngunit ipinagsawalangbahala niya itong lahat. Katulad na lamang ng pagpapakita sa kanya ng mga taong hindi naman niya kilala sa panaginip niya.
Mga lugar na kakaiba at parang pamilyar sa kanya, pati na rin mga pangyayaring sa tingin niya ay magaganap pa lamang sa kaniya.
Handa ka na bang malaman ang kwento niya?
* * *
PLAGIARISM IS A CRIME!
* * *
D I S C L A I M E RThis story is work of fiction. All the characters, places, events, and even informations that is inside this book are all part of the author's imagination. If some of the events here have something in common with your real life experience, it is just a coincidence.
BINABASA MO ANG
A Miraculous Place Called Azalea
FantasiBata pa lamang ay binabangungot at nakakaranas na nang kung ano-anong kababalaghan si Valerie. May mga mistulang kung anong elemento ang nais na lumapit at kunin siya. Iisa lamang ang kanilang mithiin, ang protektahan at alagaan siya sa kahit na anu...