CHAPTER FORTY TWO

87 7 0
                                    

YLONA

Ilang araw na kong walang matinong tulog aaminin ko na nahihirapan na ko sa trabaho pero alam ko din naman ang sarili kong kakayahan, ito ba ang araw-araw na ginagawa ni ate Irene? How can she handle all of this?

"Ylona."naririnig ko siya pero ayaw ko na munang humarap sa iba kailangan kong intindihin ang kontaratang ito I don't want to miss even a single detail with this contract.

"Ylona."nadiinan ko ang ballpen sa notebook ko dahil sa inis at tsaka siya hinarap, bahagya naman akong kumalma ng makita kong si ate— si Meg ang tumatawag sakin.

"sorry binabasa ko lang mabuti ang contract, do you need something?" Napabuntong hininga naman siya at tsaka lumapit sakin kinuha niya sa ibabaw ng table ko ang ilang papeles at ang kontratang binabasa ko.

"Gabi na, kumain ka na muna ako na ang gagawa nito promise I'll highlight every important details at gagawan ko na din ng report, but please Ylona... Kumain ka na muna kanina ka pang lunch walang kain, 9pm na." Dinampot ko ang cellphone ko at pinindot ang switch button para i check ang oras at totoo nga ang oras, sinamdal ko na ang likod ko sa upan hays! sa buong maghapon yata ay ngayon ko lang nasandal ang likod ko. Kasabay nito ay para bang sabay-sabay kong naramdaman ang bigat ng katawan ko, gutom,pagod, antok lahat lahat na yata, kaya nginitian lang ako ni Meg at tsaka siya naupo sa kabilang tabel ako naman ay pumunta na sa sofa para kumain.

"kumain ka na?" Nag thumbs up lang siya sinimulan ko ng kumain ng chicken inasal pero habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan ang hindi titigan si ate Meg,

"Meg."

"hmmm?"hindi niya ko nililingon dahil nag hi-higlight pa siya at may sinusulat sa papel.

"ganito din ba noon si Ire- ate Irene." Dahil siguro sa sinabi ko ay binitiwan na niya yung highlighter at ballpen at tsaka ako hinarap ng nakangiti.

"yes pero alam mo mas makulit ka sakanya. Hindi mo matatapos ito ng lahat sa isang araw lang kaya nga may bukas pa Ylona, but for now lahat ng kaya ko ay gagawin ko na muna." Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa ngiti ni ate Meg.

Kaibigan siya ni Irene pero hindi kami ganito katagal mag-usap at magkasama kaya ngayon ko lang lalong na appreciate yung lahat ng katangian ni Meg.

Pagkatapos ko kumain ay hinubad ko na yung heels ko at tsaka nahiga sa sofa.

"Meg magpapahinga lang ako sandali, pwede kang maunang umuwi." Pero winave lang niya ang kamay niya na para bang sinasabi na mahiga lang ako at gagawin niya ang trabaho niya.

Konting scroll lang ako sa social media account ko, grabe sana maging ka successful din ako ni Ms.Vivian Avery Sarlet magkasing edad lang sila ni ate Irene pero grabe ang galig galing niya, ang ganda pa ng asawa niya.. Sana open din ako, maybe may chance na maging kami ni Freya kung una pa lang ay sinabi ko na na mahal ko siya, sana ay... Hays.

Habang naktitig ako sa screen ng cellphone ko ay naramdaman ko na lang na unti-unti na akong nakatulog.

"OH shit!!!" Napabigla ako ng gising dahil hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatulog.

"Calm down Ylona." Napatingin ako kay Ate Meg na iba na ang suot kesa sa kahapon habang inaayos ang make up niya.

"Calm down? How can I calm down kung hindi pa handa ang presentation ko for Mr.Bueneventura?" Lumapit siya saakin at inabot ang folder.

"Natapos ko na, maaga ko na din pina handa ang mga copy para sa mga a-attend na taga board mamaya... Hmmm meron ka pang.." Tumingin siya sa orasan niya.

"4 hours to prepare yourself, maligo ka muna nagpa deliver na ko ng breakfast nating dalawa, nakisuyo na din ako kay Aerin na dalhan ka niya ng gamit kanina." Tinuro niya naman ang paper bag na naglalaman ng mga damit ko.

THE GIRL WHO LEFT BEHIND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon