CHAPTER TWO

250 10 0
                                    

FREYA

Huta naman oh! Napaka kapal ng mukha ng lalaking to nakuha pa niyang lokohin si Ma'am Irene, sobrang perfect na nga nun! Sobrang ganda! Mabait! Matalino, yung katawan? Hindi ako manyakis pero sobrang perfect, her smile, her eyes a living goddess here on earth. Tapos gagaguhin lang ng gagong to?!

Okay so this is my job kumuha ng picture ng FUTURE EX HUSBAND NIYA kasama ang other woman nito para kapag nag file ng annulment si Ma'qm Irene may pruweba siya.
Hays grabe naalala ko pa yung nangyari kanina yung sobrang lapit ko kay Ma'am Irene, hindi ko tuloy maiwasan ngumiti.
- - -

"Hoy Freya si ate lang yun bakit ba kabadong kabado ka?!" Ang tanong saakin ni Ylona habang nandito kami sa may elevator.

"Ate mo! Si Mrs. Irene Castell yun! Ang future boss ko di ba dito nga tayo mag a-apply after ng graduation natin?"

"Kasama mo naman ako, tsaka mabait kaya si ate, lalo na at alam niyang kaibigan kita, pero hindi ko lang talaga mapapatawad yung kakapalan ng pagmumukha nung Carlos Castell na yun fu-" tinakpan ko na ying bibig niya dahil nakatingin saamin yung isang empleyado nila.

"Bantayan mo naman yung words mo Ylona nasa company niyo tayo. Okay?" Ang bulong ko sakanya siya naman ay tumango kaya inalis ko na yung kamay ko.

"Hey you!" Ang sabi ni Ylona dun sa lalaking pinagpapawisan na ang buong katawan.

"What you hear forget it understand? Kapag kumalat yan-" hinitak niya sa kohelyo yung empleyado at tiningan ang id nito.

"Tanda ko pangalan mo at mawawalan ka ng trabaho."

"Ylona tama na yan uy!" Ang hitak ko sakanya minsan talaga hindi ko siya maintindihan masyadong war freak sa ibang tao.

"Y-yes po Ma'am." Bakas ang takot sa may empleyado bago siya bumaba ng elevator kaya kami na lang ang naiwan ni Ylona dito.

"Ylona naman."

"What? Hays." Pamaya maya pa ay nandito na kami sa floor ng office ni Ma'am. Pagpasok namin ay may kausap siya kaya sinenyasan niya lang kami.

Grabe ang gandaaaa niya, yung office uniform niya ay bagay na bagay sakanya, kung kasing edad ko lang siya baka tumino ako sa harap niya. Her long black hair, her red lips everything about her is so perfect.

"F*ck Freya naglalaway ka ba sa kapatid ko?" Ang tanong niya at pinunasan niya ng panyo niya yung gilid ng bibig ko na may laway na nga shet kakahiya.

"Hu-huh? Hindi ah!" Umupo na muna kami habang hinihitay namin si Ma'am Irene.

"Sorry kung napaghintay ko kayo." Binigyan niya ng isang yakap si Ylona ako naman umasa pero hindi niya ko binigyan pero nginitian niya lang ako. Huta asa pa Freya unang-una straight yan, pangalawa mas matanda yan at higit sa lahat kasal na siya.

"Ate Irene siya si Freya yung friend ko na meet mo na siya last time nung family dinner."

"Ah yes I remember her siya ba yung ni re recommend mo?" Masaya namang tumango si Ylona.

"Yup ate. Hindi na siya bago sa ganitong case honestly nakahawak na siya ng 4 cases na ganito. Right Freya?"

"Ah o—opo sa totoo po 5 beses na po." Nawawala talaga ang pagiging cool ko sa harap niya.

"Good. here is his picture." Lumapit siya sakin at dahil nakaupo ako yumuko siya ng kaunti but enough reason para makita ko yung clevage niya.

Inhale exhale inhale exhale kalma Freya hindi na siya single.

"Okay po Ma'am." Nakita ko naman napangiti siya.

"And kagabi nakita ko sa cellphone ni Carlos na pupunta sila dito." May binigay naman siyang isang address na pasyalan.

THE GIRL WHO LEFT BEHIND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon