CHAPTER ONE

642 17 0
                                    

"Okay medyo tingin sa kanan." Ang turo ko sa estudyante na kinukuhanan ko ngayon.

"Ayan kuha na po ba Miss?" Nag thumbs up na lang ako.

"Ee Miss Photographer number niyo po pwedeng makuha?" Napangiti at napailing na lang ako kasabay ng mga kantywan ng mga kaklase nito.

"Wag ka munang mag graduate ngayon para magkita pa ulit tayo next year." Ang pagbibiro ko then I take a lot shot of him. Lumapit na din ako kay Thalia na busy na nakaupo habang nag e-edit.

"Okay na po Ma'am." Ang sabi ko sa adviser ng huling klase na kinuhanan namin ngayon para sa year book. Naglabasan na ang iba pang mga students hanggang sa kami na lang ang matira ni Thalia.

"Ligpitin ko na to ah." Sinimulan ko na ang pag-aayos ng ilang mga gamit namin.

"Freya bawas bawasan mo naman yung pagsakay sa trip ng mga bata, baka mamaya seryosohin nila."

"Thalia wala lang yun ayoko naman na mapagsabihan akong suplada kagaya mo." Inirapan niya lang ako, kaya napangiti na lang ako habang unti-unti ko ng sinakay ang ilang gamit namin ni Thalia.

Syempre ako na nagbuhat kaya siya naman ang mag drive.

"Thalia thank you."

"Alam mo tuwing gabi mo na lang yan sinasabi."

"Kasi gusto ko lang naman malaman mo na kung hindi dahil sayo malamang nakakulong na ko sa pagnanakaw." Natawa naman siya.

"Hindi naman tatagal ang pagkakakulong mo ng 5 taon ng dahil lang sa 3 pirasong cup noodles." Sabay na lang kami napatawa dalawa habang inaalala kung paano kami nagkakilala.

Gabi noon at naglayas ako saamin, mga 2 days na kong walang kain bukod sa biscuit at tubig na kinukuha ko lang sa gripo ng mga CR, naliligo lang ako sa mga piblic comfort rooms.

Isang gabi hindi ko na kaya ang gutom ko kaya pumunta ko sa isang convenient store, nilagay ko yung 3 cup noodles sa loob ng bag ko, pero biglang kinuha ni Thalia ang bag ko at nilagay sa cashier ag mga cup noodles na binalak kong nakawin akala ko ay isusumbong niya na ko pero binayaran niya yun hindi siya nagsalita pero sinabayan niya lang akong kumain. Simula noon kila Thalia na ko tumira si Thalia na ang naging pamilya ko, ang best friend ko.

"Malaki talaga ang utang na loob ko sayo Thalia lalo na kila tito at tita." Binigyan ko sIya ng isang ngiti.

"Utang na loob? Tsss you'll pay for it you'll gonna be my slave forever." Natawa na lang ako.

"Then will you marry me?" Ang pagbibiro ko.

"Gag* wag mo kong idagdag sa mga chicks mo!" Natawa na lang ako, I'm bisexual yes I'm attracted with both gender, marami na kong naging ex na lalaki at babae but I can't handle a good relationship hindi ko naman priority yun ang goal ko ay maka graduate at makahanap ng trabaho.

"I'll drop you in our unit didiretso lang ako sa studio."

"Bakit? Sa condo ka na lang din mag edit."

"You know me Freya, my work place is my work place."

"Okay wag ka na lang papagabi." Pamaya-maya ay nakarating na kami sa tapat ng condo naming dalawa. Yes we're living together malayo kasi yung totoong bahay nila sa studio ni Thalia kaya ayun kumuha ng isang unit na malapit sa studio at sa school ko para hindi kami hassle parehas.

Pagkapasok ko ay inayos ko na ang ibang gamit namin at naghanda na para sa pamamahinga ko.

Pero pahiga na sana ako ng biglang tumawag naman ang isang to.

"Freyaaaaaa!" Nalayo ko pa yung cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Ylona bakit ba gabing-gabi na mataas parin ang energy mo?"

THE GIRL WHO LEFT BEHIND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon