FREYA
Ngayong araw ang graduation day namin, para sa iba isa ito sa pinaka mahalagang araw nila pero para sakin normal lang lahat. Ako nga ang cumlaude pero wala naman akong mga magulang na magsasabit ng mga medalya sakin.
After the graduation mag-isa akong naglalakad papunta sa sakayan ng jeep dahil si Ylona kasama na ang pamilya to celebrate her graduation inaaya naman nila ko pero syempre nahihiya ako.
Ayaw ko munang umuwi lalo lang akong naaawa sa sarili ko alam ko din kasing wala parin sa unit namin si Thalia.
"Saan kaya ako pupunta ngayon?" para kong tanga na nagsasalita na mag-isa habang naghihintay sa masasakyan kong jeep.
"Hmmm how about have a dinner with me?"
"Putek!" Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Irene sa likuran ko.
"I-Irene? Anong ginagawa mo dito? Di ba may dinner kayo nila Ylona?"
"Hmmm it's okay with them, kahit wala ako." Kahit na nakangiti siya alam ko na nasasaktan siya sa mismong salitang sinabi niya.
"Pero seryoso tara kain tayo ng dinner libre ko." Siniko siko pa niya ako, aysus ano barkada na kaming dalawa?
"Sige hindi na ko tatanggi sa libre ngayon." Okay lang siguro gusto ko din naman i celebrate ang graduation ko.
Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan niya pero wala kaming mapuntahan na malapit lapit na restaurant ang dami ba namang gumraduate ng St.Russel kaya halos puno lahat ng kainan.
"Net time na lang kaya?"
"No, I have an idea let's go into my place." Ha?!
"Kahit tumanggi ka wala ka naman ng magagawa dahil ako ang may hawak ng manibela." napangiti na lang ako habang umiiling hahayaan ko na lang siya gusto ko din naman ng ginagawa niya, celebrating my graduation with my crush... panalo.
Pagkadating namin ay pinaupo na muna niya ako sa living room at tsaka hinayaang manuod.
"Hintayin mo na lang ako dito ako na ang bahala magluto okay?"
"Tutulungan na kita Irene sanay din naman akong magluto." Pero umiling lang siya.
"Ayokong may nangingielam sa kusina ko."
Sa muling pagkakataon hinayaan ko na lang siya. Naupo lang ako dito sa living room habang iniikot-ikot ang atensyon ko dito hanggang sa mapansin ko yung isang picture frame. Ang wedding picture nila ni Mr.Castell, and one thing is for sure. He's happier with that girl over Irene. Ican see it through his eyes.Umupo na lang ako then bigla na lang tumawag si Ylona.
"Freya? Where are you?" Sasagutin ko na sana siya ng bigla akong tingnan ni Irene na may lungkot sa mata at umiling.
"I'm here at one of my ex's home, why?" Narinig ko sa kabilang linya ang pagbuntong hininga niya.
"Nothing, if it happens that you saw ate Irene just tell her that I'm waiting for her. Bye talk see you tomorrow." Then she ended our call.
Tumayo naman ako para lapitan si Irene sa kusina.
"Irene yung totoo ano ang nangyari?"
"Nathan is there begging me to fix our marriage." Siraulo yun ah.
"That's the best time to talk to him Irene."
"I can't akala ko kaya ko ng wala siya na hindi ako maapektuhan but after all minahal ko din siya." Medyo masakit lang talaga. They married for 3 years.
"Hindi ko masasabi na naintindihan ko ang pinagdadaanan mo, but if you really love him bakit kailangan humantong sa hiwalayan?" Nakuha ko ang atensyon niya dahil sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
THE GIRL WHO LEFT BEHIND [COMPLETED]
RomanceFreya Domingo believed she was an expert on love until she allowed herself to be ruled by the girl who had captured her heart. Is this anything she can call love or just lust? -Ms98Percent