CHAPTER FORTY FOUR

103 8 1
                                    

MEGAN

"Megan? MEG! are you listening?" Napailing tuloy ako para maibalik ang sarili ko sa dinner namin ni Irene

"Ye—yes of course Irene."

"Bakit ba parang kinakabahan ka diyan? Don't tell me you slept with a married woman... Again?" Umiling lang ako sana nga yun na lang ginawa ko ee pero hindi I slept and fucked up with Ylona, ano ba naman ba kasi pumasok sa ulo namin ni Ylona nung gabing yun?!

"So, let me repeat my question kumusta si Ylona?"

"She's great." Ayt punyemasss tinaasan tuloy ako ng kilay ni Irene.

"I mean she's doing great.. Bukas may meeting siya with Mr.Figuroa." tumango naman siya pero hindi parin nawawala yung pagdududa niyang tingin sakin.

"Megan Kim I know your games and I know you so well wag mo lang idadagdag ang kapatid ko sa mga naging babae mo." Shit.

"O—o—oo naman Irene." Shit talaga!!!! Bakit ba kasi ang galing mang akit ni Ylona nung gabing yun?!!!

"Just make sure of it Meg." Buong magdamag yata ay nasa isip ko ang pagbabanta ni Irene kaya hindi ako nakatulog ng matino, good luck na lang sa mangyayari sa utak ko bukas.

Dahil hindi nga ako nakatulog ng matino kagabi kaya medyo lutang at nanlalata akong pumasok sa trabaho, lahat ng bumabati sakin ay binabalik ko din namam ang bati nila saakin pero kulang sa energy.

"Is that how you'll start your Monday huh Ms.Megan Kim?" Biglang nabuhayan yung dugo ko hindi dahil sa saya kung hindi dahil sa kaba ng marinig ko ang boses niya.

"Y—Ylona!"

"Bakit ba parang gulat na gulat ka nang makita mo ko? Natural lang na magkikita tayo." Pumasok na siya sa elevator na nasa harap namin ayaw ko pa sanang pumasok pero hinitak na din niya ko kaya pagkasara ng pintuan ng elevator ay napatingin saamin ang lahat.

"Umayos ka Meg." Ang bulong niya sakin hindi ko din alam kung bakit sinusunod siya ng katawan ko kaya umayos ako ng tayo.

Pagkadating namin sa office niya ay agad na din niyang binuksan yung laptop.

"Meg nakahanda naman na yung conference hall right?" Tumango naman ako.

"How about their hard copies?"

"Pinaayos ko na."

"Good." Pero huminto siya at diretsong humarap sakin.

"Ok ka lang ba Meg? May sakit ka ba? Bakit ba parang wala ka sa sarili mo? If you want a day off ok lang, I can handle this." Umiling lang ako.

"Hindi yun Ylona, yung... Yung tungkol sa nangyari satin, pwede bang kalimutan na natin? Maling mali kasi yun papatayin ako ni Irene kapag nalaman niya."

"Ede wag nating ipaalam at hindi natin ipapaalam, you can't force me to forget what happened that night Meg lalo na kung gusto kong ulitin ulit" Ibig sabihin ba na she's asking for na maulit ulit yun?

"Tekaaaa!!! You want that mistake to happen again?! Oh god No Ylona! Papatayin ako ng ate mo! At ni Director!" Binigyan naman niya ko ng ngiti at dahil nga nagulat ako sa sinabi niya ay napatong ko yung dalawang kamay ko sa ibabaw ng lamesa niya at punyemas na daliri niya na yan naglakbay nanaman sa labi ko.

"Di ba ang sabi ko ,walang makakaalam kung hindi natin ipapaalam." She bit her lower lip.

"Hi—hindi kasi ganun yun Ylona."

"Tanggi ka ng tanggi pero halata namang gusto mo." Ang pang aasar niya at tsaka lumayo sakin.

"Mamaya na natin to pag-usapan, mag start na ang meeting ko mauna na ko sa conference hall." Binitbit na niya na ang gamit niya at tsaka lumabas ng office.

THE GIRL WHO LEFT BEHIND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon