Chapter 3

15.6K 439 83
                                    

Quinn's POV

Ang bilis lang ng panahon and school na. Grade 12 na kami. Ang tatanda na hays.

"Ang aga ni President ah." Bati ko kay Night na dahil siya ang nakabantay sa may entrance para ilista ang mga late. Si Kai at Averyl naman ay magkasamang kinakausap ang mga bagong students para sa mga rules and regulations ata.

"Bagong buhay na ako oi." Nakangising sabi niya kaya napailing na lang ako.

"Nandito na ba si Max? Hindi nagreply eh."

"Oo kanina pa. Siguro nasa room niyo na iyon."

"Ganoon ba? Sige mauna na ako. Good luck sa trabaho mo diyan, Pres." Biro ko kaya tinulak lang ko nito.

"Isang tawag mo pa sa akin na Pres, huhulihin na kita." Natawa na lang ako at umalis na papuntang room.

"Hi, Quinn!"

"Ang ganda talaga..."

"Hello, Quinn!"

Mga sari-sari na mga bati ang natanggap ko pagkapasok ko sa room kaya nag greet naman ako sa kanila.

Hinanap ko agad saan nakaupo si Max at nakita ko ito sa may gilid wearing her headphones while nakapikit ang mga mata.

Kinuha ko ang headphones niya kaya nabigla naman ito at sinamaan ako ng tingin akala niya siguro ibang tao kaya mabilis itong nag shift.

"Huy! Bakit hindi ka na nag reply kanina?" Pagsesermon ko rito habang inaayos ang mga gamit ko sa upuan.

Kinuha niya naman ang phone niya habang nakakunot noo.

"Oh..I thought na send ko na ang message ko but it looks like hindi." Ipinakita niya naman ang convo namin at ang gaga nag reply nga pero hindi na send ang message sa message box kaya nag shake head na lang ako.

So baka naconfuse kayo bakit magkaklase kami ni Max eh kasi nag shift ako ng strand at ABM na ang pinili ko kaya Irregular student ako. May mga subjects na doon ako papasok sa Grade 11 dahil may mga subjects na hindi ko na take dahil iba ang strand ko noon.

Hindi kami kaklase ni Noah dahil na iba ito ng section sa aming dalawa. Sila sana iyon ni Sam pero wala na siya rito at nasa ibang bansa na kasama ang fiancé niya.

Bigla namang natahimik ang lahat kaya napalingon sa ako sa pintuan and nakita ko ang babaeng hiniling ko talagang hindi ako ma under huhuhu si ma'am Wish aka terror teacher daw at pinsan nitong katabi ko.

"Ang ganda ni ma'am."

"Single kaya siya?"

Napatingin naman ako kay ma'am na inaayos ang kanyang mga gamit habang nakapoker face lang. Tama nga naman sila. Maganda talaga si ma'am iyong hindi talaga halata na may anak na. Ilang taon na kaya siya? Matanong ko nga kay Max mamaya.

"Staring is rude, Ms. Salvador." Bigla naman akong nabalik sa reality dahil sa narinig.

Luh bakit ba palagi na lang iyan iyong sasabihin ni ma'am tuwing kakausapin niya ako? At sa dami daming mga students dito, ako palagi ang napapansin niya? Hindi nga niya napansin iyong naglalaro pa ng mga cellphone sa front o.

"Sorry po, ma'am." Iyon na lang ang mga salitang nasabi ko habang tumingin na lang sa ibang bagay huhuhu.

"So if I'm not mistaken, Mrs. Helen is your adviser, am I correct?"

"Yes po." Sagot naman namin kaya tumango siya.

"Now, please introduce yourselves with your hobbies as well."

One Wish And You Came (GSquad Series #2) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon