Chapter 20

12.8K 412 127
                                    

Quinn's POV

"Where are we going?" Tanong niya habang nagmamaneho ako.

Wala kasing pasok ngayon kaya napagdesisyonan kong mag bonding kami.

"Gusto lang kitang dalhin sa isa sa comfort place ko." Nakangiti kong sabi.

"We're here." Sabay parking ko sa sasakyan at lumabas para pagbuksan siya ng pintuan.

"Thanks." Kinuha ko ang kamay niya at naglakad na kami papunta sa ipapakita ko sa kanya.

"Ma'am, meet my nanay." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa puntod ni nanay.

"Good morning po." Bati niya at umupo ako sa may upuan.

"Hali ka. Umupo muna tayo. Marami kasi akong sasabihin kay nanay."

"Sure." Umupo siya sa tabi ko at inayos ang hibla ng buhok na nakasagabal sa mukha ko na nagpangiti sa akin.

"Nay, siya nga pala si ma'am Wish.. siya iyong babaeng nagpapatibok ng puso ko ngayon." Nakita ko namang namula si ma'am habang tumitingin sa ibang direction nahihiya HHHAHAA ang cute.

"Maganda, nay, noh?"

"Your daughter is so bolera, tita." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Maraming nangyari these past few months, nay. May mga araw na nahihirapan ako at meron din namang masaya ako. Malakas pa rin ang loob ko kasi kagaya ng pinangako ko sa inyo noon, tutuparin ko ang pangarap nating dalawa."

Tumulo naman iyong luha ko kaya agad itong pinunasan ni ma'am at hinawakan ang kamay niya ang kamay ko.

"Mahal na mahal kita, nay. Sana masaya kayo ni tatay diyan sa langit."

"I know they're proud of you, Quinn." Mahinahong sabi ni ma'am habang minamasahe ang kamay ko.

"Salamat." Hinalikan ko ang kamay niya nagpangiti nito.

Nag stay muna kami doon ng ilang minuto at umalis din papunta sa restaurant kasi niyaya ko siyang kumain sa labas. Matagal na kasi kaming hindi nakakapag date.

"Quinn."

"Hmm?"

"Stop the car muna." Kumunot naman ang noo ko at hininto ang sasakyan.

"Bakit? May problema ba?" Kinabahan naman ako kasi palagi ko na itong nakikita sa mga movies jusko.

"Why don't we go first sa lugar kung saan you confessed to me."

"Iyong..bakanteng lote?"

"Yes."

"Ah..sige." hindi na ako nagtanong kung bakit at basta na lang nagmaneho papunta doon kahit kinakabahan na.

Agad siyang bumaba pagkahinto kaya agad naman akong sumunod sa kanya.

"Bakit gusto mong pumunta dito, ma'am?" Tanong ko sa kanya habang nilalagay ang mga kamay ko sa bulsa ng aking pantalon.

Lumapit siya sa akin habang nakayakap sa sarili.

"I wanted to make things official right here. Where it all started. Kung saan nag confess ka." Kumunot naman ang noo ko.

"Official? Ang alin?" Minsan talaga bobo ako sa mga ganito.

"Tsk. What's there to make it official pa ba, Salvador?" She asked na ngayon ay na-aanoy na.

One Wish And You Came (GSquad Series #2) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon