Chapter 11

12K 336 78
                                    

Quinn's POV

"Morning!" Bati ni ate pagkababa ko galing sa kwarto.

"Morning din, ate." Bati ko pabalik at umupo na sa upuan para kumain kasama niya.

"Your kuya wanted to call you mamaya, ha? Make sure you're free namiss ka na niya and may sasabihin din siya sa'yo."

"Sure, ate." Sabi ko naman habang kumukuha ng pagkain.

"Ate, kasali po pala kami ni Max sa Math event at gaganapin ito next month sa Cebu iyong venue. Is it okay if sasali ako?"

Tumango naman siya habang pinupunasan ang bibig.

"Yes, it's really okay for me and for extracurricular naman iyon." Napangiti naman ako kasi ang supportive talaga ni ate eh at mabait pa. Meant to be talaga sila ni kuya.

"Iniisip ko kasi, ate, ang restaurant at ang café. Medyo ma bu-busy na ako starting next week until sa day sa event so minsan na lang ako makakapunta."

"You don't have to worry about that, Quinn. Your kuya Leo will handle the restaurant with me for the time being and his cousin who's also my friend will handle the café. You're still a student naman. Priority mo iyan."

"Salamat, ate." Nakangiting sabi ko rito at tumango naman ito sabay ngiti niya.

"By the way, who'll be with you and Max sa Cebu?"

"Ah si ma'am Wish."

"Ohh that gorgeous teacher of yours and Max's cousin?"

"Yes." Tumango naman siya.

"Just tell me if may kailangan ka and I'll provide it ASAP, okay?"

Napailing naman ako. "Ate, may pera pa naman ako, okay na po iyon tsaka ang laki naman po kasi ng binibigay ni kuya sa akin every month." Naiiyak kong sabi kaya natawa siya.

"Your kuya really loves you kaya ganyan." Natawa naman ako.

Paano ba kasi, hinuhulugan ni kuya iyong bank account ko ng 200,000 per month jusko kahit sinabihan ko na siya na huwag na kasi may sweldo naman ako as cook pero palagi niya akong sasabihan na baka magamit ko raw ito para sa kakailangin ko kung magkaroon ako ng jowa o ano. Hays, kuya.

....

"Hala siya ngumingiti bigla. Delikado na iyan." Sinamaan ko naman ng tingin si Night kaya natawa ito.

"Huwag ka nga." Napailing na lang ito at umupo na sa tabi ko. Nasa hangout kasi kami ngayon.

"May nangyari ba? Mukhang masaya ah." Tanong ni Kai habang gumagawa ng salad sa kitchen tapos itong si Noah naman tamang tikim eh. Si Max ayon natutulog pa sa kwarto niya. Dito kasi umuwi kagabi dahil nag-away na naman ang parents niya. Nothing new talaga hays.

"Kumain kami ng dinner sa restaurant namin kagabi." Nakangiting sabi ko kaya napa wow sila.

"Kayong dalawa lang?" Tanong ni Night.

"Kasama si Hailey."

"Hala, family yarn?" Tanong ni Noah kaya natawa kami.

"Hays plano ko sanang yayain si ma'am lumabas bukas eh."

"O gawin muna nanliligaw ka naman." Sabi naman ni Kai.

"Paano ko ba tatanungin si ma'am na yayain siya for a date?"

"Anong gusto mo? Iyong hindi modern style ba?" Tanong ni Noah habang nakangiti.

One Wish And You Came (GSquad Series #2) GxG |UNEDITED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon