I Rejected My Mr. Right
-dyoungladyisshe
-15
SG's POV
"Ok. Class, who wants to answer the last number? Mr. Austria, do you want to try?"
"sure ma'am." Confident na sagot ni Lyon sabay tayo.
"Ehem.. bhest? Tinawagan ka daw ni Lyon kahapon?" pagtatanong ni bhest.
"at papaano mo naman nalaman?"
"aba! Syempre naman. Ako pa!" proud nyang sagot sa akin.
"tsk. Nagpaturo lang sya sa namisssed nyang topics. At mukha namang nakatulong. Look..." sabay turo k okay Lyon na seryoso sa pagsasagot.
"very good! Madaling nakakasunod sa topic a." pamumuna ni ma'am kay Lyon.
"syempre naman ma'am. Magaling ang tutor e." sagot nya kay ma'am.
" thanks Cassandra." Baling naman nya sa akin sabay kindat.
"aayyyiiieeehhhhh!" hiyawan naman ng mga classmates ko.
"Class... tama na yan. Next meeting may quiz tayo kaya mag aral ng mabuti. Ok?"
"yes, ma'am!"
"so class, dismiss."
"goodbye ma'am."
"goodbye."
***
Sean's POV
Nasa labas ako ngayon ng classroom nina Cassandra.
Bakit?
Ewan ko din kung bakit. Basta dinala ako ditto ng mga paa ko.
"aayyyiiieeehhhhh!" hiyawan nila sa loob.
Ang tagal namang lumabas ng mga 'to! Mga naglalandian lang naman.
Silipin ko nga...
Yes! Palabas na yung teacher.
"good afternoon ma'am" bati ko dun sa teacher. Tumango naman sya. Ewan ko kung sinong teacher yun. Hindi ko ugaling kilalanin sila.
"Casey, ako na magdadala ng mga books na yan." Sabi ni Lyon.
Tss. Close na talaga sila?
" hindi ok lang. gamit ko 'to ako ang magdadala." Pagpapakipot naman nung isa.
"No, I insist. Besides gagamitin natin yan pareho."
Ano yun? Silang dalawa ang nagbayad. Tss.
Ibibigay din naman pala papilit pa.
"O, Sean you're here!" gulat na sabi ni Lyon.
"kanina pa. Ngangayon mo napansin?"
"oo e. bakit ka nga pala nandito?"
"masama?"
"I'm the first one to ask the question, kaya siguro mas tamang sumagot ka muna bago nagtanong Bro."
"tss. Ano? Tatayo ka na lang dyan? Wala kang balak samahan ako para may ma-ireport ka sa magaling kong ama?" baling ko kay Cassandra.
"hindi ka na bata para bantayan pa." sabat ni Lyon
"kinakausap ba kita?"
Grabe! Iniinis ako ng isang 'to a.
"Hi babe!" sabi ni Ashley. Humalik pa sa pisngi ko sabay pulupot sa braso ko.
Tss. Ganyan lumandi ng lalaki.
(A/N: She's Ashley Ramirez, yung tumulak kay Cassandra sa school gym kaya sya napaupo sa sahig. Remember?)
"So, what's the commotion all about?" sabat pa nya.
"I'll deal with you later." Mahinahon ngunit may pagbabantang sabi ko kay Cassandra sabay alis sa pagkakapulupot ni Ashley.
I leave them there. Hindi ko alam kung anong itsura nya nung sinabi ko yun dahil hindi ako lumingon pa.
All I heared is...
"Babe. Wait for me!!"
Yes. Ashley is shouting habang patakbong sumusunod sa akin.
"babe! Isa! Mag iiskandalo ako ditto pag hindi ka huminto." Pananakot ni Ashley.
Tumugil na din ako sa pag lakad para harapin sya.
"hindi ka pa ba nag iiskandalo ng lagay na yan?"
"Who's that girl? Is she somewhat important for you to be like that?"
"halata ba?"
"Do you love her?"
"Bakit? Marunong ba akong magmahal?" tanong ko sa kanya sabay talikod at nagpatuloy sa paglakad.
"hindi. Kasi kung maalam ka magmahal at magpahalaga ng tao hindi ako magmumukhang tangang humahabol habol sayo."
Alam naman pala nya ang sagot sa tanong ko.
At alam kong umiiyak na sya nun pero wala akong balak lumingon at umamo.
Hindi ako yun. Hindi ako ganon.
BINABASA MO ANG
I Rejected My Mr. Right
Teen FictionThis story will show that second chance is only given to those who are worth it to have it.