I Rejected My Mr. Right
-dyoungladyisshe
* flashback continuation *
(A/N: rated SPG guys haha.. slight. May bad word kasi.. hihi.: )) )
" casey, pwd bang pakisulat mo muna ito sa chalkboard " utos ni ma'am
" Cge po ma'am "
Habang nagsusulat napansin kong pabalik balik sina Gab sa harapan ng room namin.
Ano na naman kayang pinag gagagawa ng mga yun?
" ehem! Bakit ba pabalik balik? " pamumuna ni ma'am sa kanila.
" aaayyyiieehhh " ito na naman ang mga classmates ko na walang tigl sa kantyawan.
Kasi naman kanina pa.. hihi: )) akala ko ako lang ang nakakahalata e. Bakit nga kaya?
" may pinakukuha po kasi si ma'am dun sa library " pangangatwiran ni Gab
" hindi makuha ng isang lakaran, o baka naman may sinusulyapan, huh?? " sabi ni ma'am sabay tingin sa akin.
Yan ako na naman ang nakita.. naman!
" ayyiiieeehh " hiyawan ng mga classmates ko pati kabarkada nya.
"wala po kaya" natatawang sabi ni Gab habang papaalis na papunta sa room nila.
" mga bata may contest tayo this week a. So kesa yan ang unahin mag review na lang kayo at nang manalo tayo. " pagpuputol ni ma'am
saktong pag tunog ng bell.
" uwian na pala. Ingat kayo pag uwi ha. " paalala pa nya.
At paglabas ko ng classroom
" pinsan sabay tayo. Wait mo ako. "
" sige, sige bilisan mo. Sasabay na din sa atin si Shai "
So it means makakasabay ko si... ???
" oh, tara na! " pagyayaya ni Ysa.
At yun gaya nga ng sinabi ko, nakasabay namin sila.. sila ng mga kabarkada nya. & speaking of them, ano naman kaya yung pinag kakaguluhan nila..?? oh my gosh! Inihagis nila.. ano yun??
" aaahhh!! " sigaw ni shai.
" shai! " sigaw ko din habang papalapit sa kapatid ko.
" aaatttteeehh.. palaka!! Palakang patay!! " paiyak na sigaw ni shai. oo. Sa kanya pumatak yung plastik na hinagis ni Gabriel.. Naman. Sinamaan ko nga ng tingin..
" hala ka pare! Hahha: )) " asar nung mga kabarkada nya ng makitang sinamaan ko ng tingin.
" napaka gaslaw kasi! " galit kong sabi sabay lakad ng mabilis hawak ang kamay ng kapatid ko
Hayss.. hanggang pag uwi ba nman ng bahay mang iinis pa din? Makapag aral na nga lang para manalo naman sa quiz bee
Sipag! Hihi: )) contestant kasi ako sa hekasi quiz bee sana manalo. Pray for me!!
* kinabukasan *
Araw na ng contest! Wish me luck: )
" nandito na ba lahat? " tanong ni ma'am
" yes ma'am.!! " sagot namin
" ok. Good luck sa inyo.. galingan nyo ha. " Then the contest begins.
----
At last, i've got the 1St place.. :)) haha: ) galing ko noh?? ( conceited haha : ) ) Si Gab? Opo. Kasama namin sya he got the 2nd place same category with me for grade six students nga lang. He graduated as class salutatorian..
biruin nio. Hehe :) matalino din po ang mokong na yan. Haha We've been close true letters kasi nga iniiwasan ko sya so hindi sya makalapit sa akin kaso one day, nag bago ang lahat...
" bakit 2nd honor ka lang ngaun" mainit na ulong tanong ni papa sa akin "
hndi ko po alam " paiyak na sagot ko
" ano bang sabi ng teacher nito? Anu daw naging problema? " sigaw nya kay mama.
" hindi daw masyadong nagsasasagot sa recitation e. Alam naman daw ang sagot ayaw lang magtaas ng kamay. " sagot ni Mama
" ayusin mo yang problema mong yan ha.. sige.. unahin ang katalandian at may kalalagyan ka sa akin! " pagbabanta ni Papa
A damsel in Distress! poor girl. yan ang tingin ko sa sarili ko ngayon. bakit hindi sila maging masaya sa kung ano ang nakuha ko? kelangan ba palaging tama at perpekto? tao po ako hindi po ako robot. Hindi yata nila alam yun. nasasaktan din naman ako.
Alam ni mama na may gusto sa akin si Gab. Katulong ko pa nga sya minsan sa pagsagot sa letter ni Gab.. At si papa? nakakahalata siguro. Kasi nakita neang suot ko yung kwintas na bigay ni Gab at tulad ng inaasahan pinaalis nya yun.
Kaya sa tuwing mag papabigay si Gab ng sulat sa pinsan ko, hindi ko na yun binabasa deretso nang basurahan yung papel. Bakit pa babasahin? Wala na namang patutunguhan e. Mali nga. Mali pa. Wala sa panahon. Hindi pa tama.
Kaya kahit malinaw sa akin na mahalaga na sya sa akin pinili ko nalang manahimik. I-deny ito sa sarili ko maging sa kanya. Tuluyan akong umiwas hanggang sa makagraduate na sya sa school na nagtulak sa kanya siguro na mag mahal ng iba.
(A/N: PASENSYA PO KUNG NAG NARRATE NA LANG.. HOPE U LIKE IT PA DIN HEHE)
* END OF FLASHBACK *
" e bakit hindi ka dun pumasok sa school na pinasukan nya ngaun? Valedictorian ka di ba? Wala ka namang bayad dun." panguusisa pa ni Faustine
" dahil mas pinili kong makasama ang mga kapatid ko kaysa sa kanya. " sagot ko.
" tsk. Kasalanan mo naman pala e. Kaya tumahan ka na. " ano ba 'tong kaibigan ko, nang aamo o naninisi?
" pero bakit hndi man lang sya nag paalam? "
" mag paalam na mag ge girl friend na sya at hindi ikaw un?? Ano ka nanay nya? Sira ka talaga. Tska sa paanong paraan?"
" pero nangako sya sa akin na hihintayin nya ako "
" pero bhest.. deserve din nyang makahanap ng taong magmamahal sa kanya na dapat matagal na nga niyang ginawa. Biruin mo, sorry for my word pero nag pakatanga sya kakaintay sayo for almost 6 years na ni walang konpirmasyon mula sayo kung mahal mo ba sya o kung mahalaga man lang ba sya sayo. Kung may patutunguhan man lang ba ang paghihintay nya sayo. " mahabang paliwanag ni Faustine
" sana hindi nalang sya nangako. " sabi ko habang umiiyak.
" sana hindi ka umasa. alam mo sayo sana sya ngayon kung hindi ka lang naging tanga. "
* end of update *
BINABASA MO ANG
I Rejected My Mr. Right
Novela JuvenilThis story will show that second chance is only given to those who are worth it to have it.