Ch 10 1/2: Heartbroken (2nd half of Chapter 10)

15 2 0
                                    

***Jake's POV


Walang Forever.....


Walang Forever......


"Ano sinabi mo?" Tanong ko sa babae sa harap ko


"Ang sabi ko walang forever sa mundo na ito. Kaya huwag ka ng umasa sa happily ever after mo."


Ang sakit manalita nitong babaeng ito. Ang lamig ng mga salita niya. Hindi ko napigilan umiyak. Hindi ko naman alam kung bakit. Familiar yung boses niya pero bakit ako masyado affected sa sinasabi niya. Parang sakto para sa akin lang yung sinasabi niya.


"Hindi ka mamahalin. Hindi ka maaalala. Hindi ka karapat dapat magmahal ng kahit sino."


"Bakit???" sabi ko habang natatapunan ng luha yung mukha ko


"Kasi hindi ka marunong magmahal." sabi niya habang naiiyak din.


"Bakit ka umiiyak din??!?! ANO BA ANG GINAWA KO SAYONG KAHAYUPAN PARA MAPAGSABIHAN NG GANITO?!?!"


"KASI HINDI MO AKO HININTAY JAKE! HINDI MO AKO BINIGYAN NG PAGKAKATAON PARA MAHALIN KA. PERO HINDI NA PWEDE. ANG SELFISH MO JAKE!"


Nabigla ako sa kanya..... Hindi ko siya hinintay? Paano ako nagkuripot sa pagmamahal?


"Kung hinanap mo lang ako. Kung hindi ka umalis. Kung hindi ka nagtago. Kung hindi mo ako iniwanan. KUNG IPINAGLABAN MO AKO! WALA KANG GINAWA!"


Biglang nagliwanag ang paligid ko. Nasa tapat ako ng school ko. Sa may gate, patawid na ako. Nakasuot pa sa akin ang uniform ko.


Nasa gitna namin ng babae ay isang mask. Isang mask na naalala kong ginamit ko sa Prom.


"Sino ka ba?" tanong ko sa babae. Sabay ang ugos ng luha namin. Naiintindihan ko kung bakit ako umiiyak, pero bakit siya umiiyak?


"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ko


"Dahil nakikita kitang ganyan."


Napansin ko na lang na sa ulo ko....


May tumutulong dugo.....

She's Not My Type (Book of Dates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon