Ch 26: Torn

8 1 2
                                    

Jake's POV

A month after promposal week

Yung totoo. Hanggang ganito na lang ba ang pang-araw araw kong routine?

Magigising, Kakain ng Breakfast, Pupunta sa Gym, Kakain ng lunch, magnanap, magsusulat, kakain ng dinner, then matutulog.

Sawang sawa na ako sa routine ko, di ko na alam kung ano pang pwede kong gawin. Since Ive eliminated the option of visiting friends, I guess the biggest change would be to just go to the mall.

.
.
.
.
.
.

Wala naman rin akong magawa sa mall. I blew my debit card and im grounded from using it. I dont have any cash on me so hindi rin ako makapamili ng damit, books, or cards.

GANITO NA LANG BA LIFE KO?!

To be honest, isa lang naman ang nagbabago ng routine ko dati.

Si Sam.

And speaking of her. She's here again...:

Kadalasan kong nakikita si Sam dito sa mall. I guess nag-shoshopping rin siya. Adik rin yan sa shopping eh. Minsan may kasama, minsan wala. Pero di ko siya nilalapitan.

Isang beses though, nakabangga ko siya pero tumakbo ako agad. Kwento ko na rin kung bakit ako napatakbo.

Habang naglalakad ako, nakikinig ako ng music. Secretly kasi, mahilig ako sa cheesy filipino movies. Pero since wala akong mapanood na magandang fil movie, tinry kong manuod ng teleserye. May nakita ako isang trailer para sa teleseryeng "Born For You" at surprisingly, sobrang naadik . Kaso matagal pa bago siya ilabas. Siguro sa june pa ng 2016. Pero naalala ko na song pala rin yung title niyan. And I have to admit it. Na LSS ako sa song na yun

That I was Born for you

And that you were born for me

And in this random world,

it was clearly meant to be

Sobrang adik ako sa song na yun.
Well going back to my story, nasa mall ako at nakikinig ako ng song na iyon. Malapit na mag start yung chorus ng may nabanga ako at parehas kaming nahulog. Hindi pa siya nakakarecover ng napansin ko nahulog yung mga dala niyang grocery. Inayos ko muna tapos right as the word Born for you began sounding in my ear, I looked up.

Si sam pala yung nakabangga ko.

Sobrang razzled ako kaya tumakbo na ako paalis after ayusing yung natumba kong gamit niya.

Sobrang asar na asar ako kasi yung time na iyon, nasa isip ko na na kaya kong mabuhay na wala siya at hindi siya nakikita. Ok na ako nang dumating siya ulit sa buhay ko.

Mapangasar talaga ang tadhana eh. Nakakaasar talaga.

Now everyday, dito na ako pumupunta sa mall na ito, isang reason is dumaan if ever may papabili si Mommy. Pero every know and then, napapansin ko si Sam sa gilid, namimili o di kaya kumakain ng ice cream.

Kaya mas lalo lang akong naging malungkot.

Kasi nakapasok siya ulit sa buhay ko, pero yung pasok na kahit kailan, di mo maaabot kahit anong gawin mo.

---END---

She's Not My Type (Book of Dates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon