Chapter 16

35.9K 1.5K 702
                                    



Villareal




"Let's talk."- iyon ang bungad ko ng maabutan ko sya sa sala.

Prente itong naka upo sa couch at nakasandal habang naka cross arms and legs. Nang marinig ang boses ko ay nagmulat sya ng mga mata at tinignan ako.

"Ayaw mo akong pauwiin pero ilang araw mo naman na akong hindi pinapansin. So ano pang sense at nandito ako?"

Naglalabas lang ako ng sama ng loob. Kasi nung huling beses na nasigawan ko sya ay hindi na talaga nya ako pinansin. Ni hindi nga nya tinanong kung kamusta ako, o kung masakit pa ba ang katawan ko.

Basta lagi lang syang nakakulong sa kwarto. Bababa lang sya kapag alam nyang hindi nya ako makikita.

Akala siguro nya hindi ko napapansin iyon pero kakutsaba ko na ang ibang maids at sinasabi nila sa akin na ganuon nga daw ang ginagawa ng boss nila. Ang iwasan ako.

"If you're bored, you can go and play outside."- she coldly replied and stood up.

"I'm not a kid that you can order around.You told me that I'm here because you want me to know you, but why are you keeping your distance from me?"

"I am not. You must've hit your head in the wrong way."

She walked past me, but I was quick enough to catch her arm.

"Ano bang problema mo? Sabi ko mag usap tayo."- may bahid ng inis sa tono ng pananalita ko.

Pero katulad nuong umpisa, hindi manlang sya nasindak sa akin. Mukhang ako pa yata ang matatakot dahil sa biglang pag dilim ng itsura nya.

"What do you want to talk about?"

"Tell me about your family."

She scoffed and pulled her arm away from my hold.

"I don't have one."

Tumalikod na ulit sya pero muli ko syang pinigilan. Nagpunta na pati ako sa harapan nya para harangan ang lalakaran nya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"What happened to your parents? They're the reason why I fell on the stairs."

"So you also believe that their ghost is still in this mansion?" - she asked, raising an eyebrow.

"Yeah. I saw them. So tell me about them."

Napalunok ako at napaatras ng ngumisi sya at humakbang palapit sa akin.

Akala ko kung ano ng gagawin nya sakin pero hihilahin lang pala nya ako pabalik sa couch.

"Don't even think about running once I finish narrating my not-so-beautiful story. I can shoot you if you try to run away from me so that no one else can have you."

"O-Oo na. Dami mong sinasabi."- alanganin sagot ko at medyo lumayo sa kanya.

Napansin naman niya iyon kaya naman bigla syang humiga at umunan sa hita ko habang nakangiti ng pang asar.

Tsk. Bipolar ba sya? Kanina galit tapos ngayon pangit ngiti.

Hindi pa sya nakuntento at kinuha pa ang isa kong kamay at pinagsiklop sa kanya saka pinatong sa ibabaw ng dibdib nya.

Here goes my wildly beating heart. Damn it!

"Okay, so my mother is a woman, and my father is a man.."

Nagsalubong ang kilay ko. "Nang iinis ka po?"

She giggled, which earned a groan from me. She's really weird; is her brain still functioning properly?

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon