Paint
Sabi ko na susuko din yon si ma'am e. Kasi ilang araw na din tahimik ang buhay ko. Magmula nung huli namin pag uusap ay hindi na nag krus pa ang landas namin, sa school man o kahit sa mga public places.
Pero alam kong nasa paligid lang sya. Okay na yon na malayo sya at hindi nalapit kasi umiinit lang ang ulo ko kapag kausap sya.
Ang panget lang ka bonding ng konsensya ko kasi hanggang ngayon binabagabag ako nito na mag sorry kay ma'am.
Maybe it's because I'm not really a rude person. I was raised to always be polite on any occasion except if something bad happens where I have the need to defend myself.
Pero kasi...
Ah, basta masaya na ako na tahimik ang buhay ko at dapat wala na akong pakialam pa sa kanya.
"HAHAHA!"
"Oh my gosh! Look at her face."
Napakunot ang noo ko ng mapansin na parang halos lahat yata ng nasa paligid ko ay natatawa habang may pinapanuod sa phone nila.
"Damn! She's still pretty."
"For sure mangingisay to sa pandidiri."
I rose from my seat and snatched the phone from the student who was walking past me.
"Hey.. A-Arabella ikaw pala."
Naging kalmado ang mukha nitong ready na sanang sumigaw. Tsk. Kala mo ang pretty. E hindi naman.
Hindi ko sya pinansin at tinignan ko lang ang phone nya na hawak ko. May naka play duon na video, live pa nga mula sa facebook ng isa din sigurong estudyante.
My lips parted when I saw the woman in the video. She's wearing a professor's uniform, but she's not presentable. She's covered in paint from the top of her head down to her stilettos.
"What's this?"- I asked coldly.
"V-video——"
"I'm not dumb enough to know that it's a video. What I want to know is, Why is it like this?!"
Tumaas ang boses ko na ikinagitla nila. Pati ang mga kaklase ko na palapit sana sa akin ay napahinto nang marinig ako at napuno din ng kuryosidad ang mga mata.
"S-sa College of Science yan. N-napagtripan yata si ma'am."
Tahimik kong binalik sa kanya yung phone nya at dinampot ko na ang gamit ko saka umalis.
Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali. Naiinis ako, iyon ang malinaw sa nararamdaman ko ngayon.
Malayo ang college of science pero natagpuan ko pa din ang sarili ko na papunta dito kahit ang init init sa balat ng araw.
Sa susunod nga magdadala na talaga ako ng payong.
Mula sa labas ng gym ay rinig na rinig ko ang ingay na nagmumula sa loob nito. Pumasok ako sa loob at hinubad ang blazer ng uniform ko. Inayos ko din ang pagkakasukbit ng bag sa katawan ko bago ako lumapit sa kumpulan ng mga studyante.
"Sabi ko sa inyo wag na e. Mali tuloy tayo ng nabiktima."
"E bobo ka! Sabi mo kasi padating na si ma'am. Hindi mo naman sinabi na si ma'am Villareal pala yung padating!"
"Lagot tayong lahat, piste kayo."
"Bobo ka kasi!"
"Bobo tayong lahat! Hindi lang ako!"
BINABASA MO ANG
Love By A Neat Freak Psychopath ✔
Mystery / Thriller(Treasure Town #3) R18+ ✔ Arabella was the third-in-line heiress of Spencer's clan. She has a bubbly and outgoing personality that makes her appear as the friendliest member of their family. Everything in her life is perfect, but nothing is permanen...