Chapter 22

39K 1.4K 309
                                    




Tombstone




I'm now on my way to the hotel. I really wanted to lay down and rest my body, because by now I could feel that I'd collapse in exhaustion. 

"Hays salamat!"

Basta ko nalang tinulak sa isang tabi yung dala kong maleta at dumiretso na ako sa kwarto para mahiga.

Pumikit agad ako at hinayaan malamon ng kadiliman ang buong diwa ko.

Nagising lang ako ng makaramdam ako ng matinding gutom. Nagtawag nalang ako ng room service habang inaasikaso ko yung mga gamit ko.

Hindi din naman nagtagal ay dumating na din ang pagkain ko. Sinadya ko na magpasama ng wine para naman sosyal ang pag ooverthink ko sa buhay.

Habang kumakain ay nag scroll lang ako sa social media. Hindi ko na pinansin pa ang mga bagong friend requests and even new followers sa IG at facebook dahil naka focus lang ako sa mga exaggerated news online.

"Wow!"- bulalas ko ng makita ang compilation of runways ng kapatid ko.

Mabilis ko naman itong ni heart at nag scroll na ulit ako.

If my sister hadn't asked for a break in her career, I know other big brands would sign her up for a show.

Pero pinili nya kasi si Helen sa ngayon, ang katwiran nya nag enjoy naman na daw sya sa loob ng apat na taon na nasa industriya sya, kaya oras naman na daw para bumuo sya ng pamilya kasama ang taong mahal nya.

Who would have thought that a young woman from our town would be her destiny?

To be honest, I really couldn't imagine at first that my sister was in love with someone who was younger than her. I mean, she's Charlotte Spencer, and she can get anyone she wants, but she still chooses to follow her heart, and that is to be gay for Helena. 

I think Ed Sheeran was right when he said that people fall in love in mysterious ways. 

Tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ang bote ng wine saka nagsalin sa baso.

Nagpunta ako sa harap ng floor to ceiling glass at duon tumayo habang pinapaikot ang baso na may laman wine.

City lights are really pretty. It's too romantic to look at. How I wish I had someone here with me. 

I sip from my wine and lick my lower lip as an image of a gasping woman flashes in my mind. 

My cheeks redden upon hearing her pleading voice.

Ano ba, Bella? Nagiging manyak ka na.

Pinilig ko ang ulo ko sa magkabilang side para mawala ang mahalay kong imagination.

Kulang yata ako sa romansa.

"Celeste Adrianna Villareal, Where the heck are you?"

I rub my chin and chuckle humorously. Why am I talking like this? I sound creepy.

Napailing nalang ako at inubos na ang laman ng baso. Binaba ko iyon sa mesa at tumalikod na ako para pumasok ulit sa kwarto dahil gusto ko maligo. Baka sakali ma wash out ng tubig ang mga iniisip ko.

Kinabukasan ay maaga din akong nagising at nag asikaso. Bawal ako ma late. Ako ang representative ng mga Spencer e.

Nagsuot ako black suit. Medyo mababa ang neckline ng panloob ko pero wala akong pake. Nasa ibang bansa ako ngayon. Sa Pilipinas lang naman madaming ma issue kapag nakasuot ka ng sexy.

"Gosh, ang ganda ko talaga."- ngumiti pa ako sa salamin at nag blow ng kiss sa sarili ko.

Ako nalang gagawa para sakin dahil wala naman akong bebe. Nasa acceptance stage na ako. Hindi na ako aasa pa na lilitaw sya sa harapan ko.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon