Punishment
Naalimpungatan ako kinagabihan dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Patay ang ilaw sa kwartong inookupa namin ni Adrianna at tanging lampshade lamang ang nakabukas. Dito kasi namin naisipan magpalipas ng gabi sa isla nila.
Oo NILA! Grabe, kung hindi ko pa narinig sa iba ay iisipin ko na bumili lang sya dito ng lupa para sa kapakanan ng kapatid nyang adik sa akin.
Tinignan ko ang katabi ko at nakita na mahimbing ang tulog ni Adrianna sa tabi ko. Nakatalikod pa nga sa akin e.
Kinusot ko ang mga mata ko at saktong napatingin sa paanan ng kama. Halos mapasigaw ako sa takot dahil sa naaninag ko.
There's a woman wearing a dress standing on the end side of the bed while holding a knife.
Napalunok ako at kinalabit si Adrianna sa tabi ko pero hindi naman sya natinag. Mas niyugyog ko pa sya dahil umabante na yung tao palapit sa akin.
"AAAHHHH!!"- malakas na sigaw ko dahil tumambad sa paningin ko ang duguan dibdib ni Adrianna.
"Arabella!"
"Hindi.. Please, wag sya!"- hirap na bigkas ko at nag unahan ng tumulo ang luha ko.
"Arabella! Damn it, wake up!"
Umalingaw ngaw sa utak ko ang boses na iyon dahilan ng pagmulat ng mga mata ko. Habol ang hininga na bumangon ako at nilibot ang tingin sa buong kwarto pero wala akong nakitang babae na may kutsilyo.
Hinarap ko si Adrianna at wala sa wisyong kinapa kapa ang dibdib nito. Natauhan lang ako ng hampasin nya ang mga kamay ko.
"What the heck is wrong with you?!"- singhal nya at tinakpan ang dibdib nya habang salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
Napahilamos ako sa mukha ko at humugot ng malalim na paghinga bago ko sya kinabig at niyakap.
"I'm sorry, namatay ka daw kasi e."
"I thought you were possessed."
I chuckled like and idiot and calmed myself down. "Sira, hindi ko kaya na mawala ka sa akin."
Marahan naman nyang tinapik ang likod ko at dinampian ng halik ang gilid ng ulo ko.
"Masamang damo kaya ako, so don't worry about me."- aniya pa bago ako pinakawalan.
Parehong napadako ang mga mata namin sa pinto. May narinig kasi kaming kalabugan sa labas ng kwarto kaya naman bumaba kami ng kama. Kinuha nya ang silk robe nya at sinuot. Naka sweatshirt naman ako at sweat pants kaya yung buhok ko nalang ang inayos ko at sumunod sa kanya palabas.
"What the heck is wrong with you? I told you to don't meddle with my business, right?!"
Ang boses na iyon ay nagmumula sa babaeng kilala ko kung gaano kaluka.
Kumunot ang noo ko. Paano sya nakababa? Di ba nakakulong sya sa taas?
"Hoy, aswang na pangit! Dapat lang na pigilan kita dahil bawal ka makahawak ng kahit na anong bagay na pwedeng magpahamak sa buhay ng ibang tao! At saka bakit ka ba nakawala, akin na nga yung susi ng kadena mo!"
Naabutan namin yung dalawa na nagtatalo sa kusina. Nagkalat ang mga gamit duon lalo na yung mga kutsilyo na parang sumabog talaga sa sahig dahil pinag awagan ito.
"A--"
"Don't interrupt them."- Adrianna whispered and held my arm to stop me from coming out so that the two people wouldn't see our presence on the side.

BINABASA MO ANG
Love By A Neat Freak Psychopath ✔
Mystery / Thriller(Treasure Town #3) R18+ ✔ Arabella was the third-in-line heiress of Spencer's clan. She has a bubbly and outgoing personality that makes her appear as the friendliest member of their family. Everything in her life is perfect, but nothing is permanen...