Chapter 14

38.9K 1.6K 672
                                    



Restricted



Una kong nilitaw ang ulo ko sa likod ng pinto ng kwarto na inookupa ko. Tinignan ko kung may tao sa hallway pero dilim lang ang sumalubong sa akin.

Lumabas ako ng kwarto at tahimik na nagmasid masid. Pakiramdam ko nasa horror movie ako.

Bawat pinto na madaanan ko ay tinitignan ko hanggang sa makababa ako ng hagdanan at makarating ako sa baba.

"Where is everybody?"- I whispered curiously.

Wala ako makitang tao! Huwag lang talaga sila magkamali na iwanan ako dito kundi malalagot sila sa akin.

Nakuha ng pansin ko ang isa pang pasilyo malapit sa kusina. Dumiretso ako duon at nakita na may pinto sa pinaka dulo. Sa lahat yata ng pinto na nakita ko mula sa taas ay ito lamang ang naka pad lock.

Hinawakan ko yung malamig na padlock at nakita na may mga numbers pa na kailangan iikot duon bago ito mabuksan.

"Anong ginagawa mo?"

"Ay pusang gala!"

Gulantang kong nilingon ang nagsalita sa likuran ko. Bumungad sa akin ang isang matanda na may dalang tray.

"Anong ginagawa mo? Mahigpit na ipinagbabawal ni Celeste na lumapit sa pintong iyan."- striktang saad nito.

Napakamot ako sa ulo ko at umatras. Nakakatakot kasi yung tingin ni manang. Parang aswang e.

"Mawalang galang na po. Pero pwede ko po ba malaman kung bakit? May gold po ba sa loob?"

Napaayos ako ng tindig ng lapitan ako nito. Akala ko hahampasin nya ako ng tray pero nilipat lang pala nya iyon sa isang kamay nya para mahila ako palayo duon sa pinto.

Huminto kami sa loob ng kusina at nagsimula na syang mag asikaso ng kung ano ano duon.

"Nagugutom ka ba?"

"Opo."

"Kumakain ka ba ng dinuguan?"

"What is that?"

Hindi ko sinasadyang magtunog maarte pero kusang lumabas yung ganuon accent sa bibig ko.

Hindi naman umimik si manang at nilapag lang sa harapan ko ang dalawang planggana ng karne at d-dugo?

"Is this edible? I mean, nakakain po talaga yan?"

Kadiri.

"Oo. Gusto mo ba? Kasi kung ayaw mo ipapatapon ko na yan dahil wala naman kakain nyan."

"E bakit pa po kinatay kung wala naman kakain?"

Kawawa naman yung walang malay na hayop.

"Naglabas lang ng galit si Celeste."

"Ano po?

Umiling naman ito at bumalik ulit sa pagkamasungit ang itsura.

"Kakain ka ba o hindi?"

Dumako ang mga mata ko sa chicken salad na nanduon sa sulok. Napalunok ako at tinuro iyon.

"Iyon nalang po ang kakainin ko."

Nilapag nito ang isang platong chicken salad sa harapan ko at inabutan din ako ng tinidor at isang basong tubig.

"Na saan po ang ibang tao dito sa mansion? Bakit kayo lang po ang nakita ko?"

Tumalikod ito sa akin at nagsimulang maghugas sa lababo.

"Nandyan lang sila. Hindi mo lang napapansin."

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon