Appointment
I woke up alone in bed. Hindi na ako nag sayang ng oras at mabilis akong bumaba para hagilapin sya sa buong penthouse.
Naabutan ko naman syang nasa kusina. Kaharap ang coffee maker. Naka cross arms ito at nakatulala sa kawalan.
"Adrianna. Will you stop doing it?"
"What?"
"Leaving me on bed."
She licked her lower lip and put some coffee in the cup.
"I'm just here making coffee."
Hindi nalang ako umimik. Ayaw ko na din naman pahabain pa ang usapan na ito dahil baka isipin nya ang paranoid ko naman. Kahit totoo naman talaga iyon.
Ayaw ko maging clingy pero hindi ko maiwasan mag over think sa tuwing nawawala sya sa paningin ko.
Tinanggap ko yung kapeng inabot nya sa akin at naupo na sa bakanteng stool sa harap ng kitchen counter nya.
Lumapit naman sya sakin at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nya.
"Para kang bata."
Ngumuso ako. "Bata naman talaga ako. Gurang ka na kasi——AAH! Damn it! Ang sakit nun!"
Hinimas ko yung balat ko na kinurot nya pero inirapan lang nya ako at uminom sa sariling kape nya.
"I'm gurang? So you're saying you were into fucking older women now?"
Namilog naman ang mga mata ko at mabilis na umiling.
"Ikaw lang ah! Women ka jan."
"Tsk! Pervert!"
Padabog syang naupo sa tabi ko at nilantakan yung cheesecake na nanduon sa plato.
"Kanino galing yan?"
"I bought this."
"Kanina? Baka magsuka ka na naman."
"It's alright. I won't get tired of making myself normal."
Tinulak nya sakin yung plato at inuutusan akong kumain din. Sinunod ko nalang sya bago pa sya sapian ng topak.
Matapos kaming kumain ng mini breakfast na iyon ay pumanhik na sya sa taas para maligo.
May appointment daw kasi sya ngayon. Gusto ko nga sumama pero sabi nya baka ma bored lang ako. Gawin ko nalang daw yung mga bagay na kailangan kong gawin kesa daw sumunod sunod ako sa kanya.
"You think cutting my hair will suit me?"
Pinasadahan ko ng tingin ang mahaba at wavy nyang buhok.
Nagkibit balikat ako dahil hindi ko pa naman sya nakita na maiksi ang buhok.
"I'm planning to cut it today."
"Bahala ka. Pero huwag sobrang iksi. Gusto ko kasi nasasabunutan ka sa kama."
She glared at me and threw her pouch on my face. I let out a loud laugh because her face said it all. She was embarrassed, remembering what I did to her back in our mansion. I also can't believe I can be wild like that.
Kasalanan din naman nya e. Inakit nya ako at ginising ang init na limang taon ko ng binaon sa limot.
Pagkababa namin sa ground floor ay may nag iintay ng sasakyan sa kanya. Mabilis nyang tinakpan ang mukha nya nang mapansin ang kumpulan ng mga reporters na tumatakbo palapit.
"Get inside."- she demanded coldly.
Sanay ako sa mga ganito pero sobrang dami naman yata kaya bago pa sila tuluyan makalapit ay nakapasok na kami sa backseat at naisarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
Love By A Neat Freak Psychopath ✔
Mystery / Thriller(Treasure Town #3) R18+ ✔ Arabella was the third-in-line heiress of Spencer's clan. She has a bubbly and outgoing personality that makes her appear as the friendliest member of their family. Everything in her life is perfect, but nothing is permanen...