Louise Bautista
Nang humarap ako sa taong matagal nang gustong ipakilala sa akin ni kevin, sa lalaking katabi ngayon ni kevin, parang gustong lumubog ng buong katawan ko sa kinatatayuan ko, hindi naman nakakatakot ang itsura ng taong ito ngunit sa gimbal ko ay nag taasan ang balahibo ko at nanlaki ang nga mata ko, tila hindi ako makagalaw sa pwesto ko at para bang ang espirito ko ay lumabas sa katawan ko ng tila isang kaluluwa. at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. dahil ang tao lang namang ito ay ang taong unang naging importante sakin, ang taong unang naging espesyal sa buhay ko, ang taong una kong minahal at hindi ko kailanman man makalilimutan, si Tyler, si Tyler na kaibigan ko noon.
Tama ako, magiging magandang lalaki nga si tyler pag dating ng araw, gwapo na siya noon pero di hamak na mas gwapo ngayon. makapal pa rin ang kanyang masungit na kilay, kulay nut brown pa rin ang kanyang bilog na mga mata, ang matangos niyang ilong, ang may kakapalan niyang labi at higit sa lahat ang maganda niyang katawan. hindi pa ganoon ka-matured ang katawan ni tyler noon pero kapansin-pansin na kapag siya ay naging adult tiyak na huhulma at babatak ang maganda niyang katawan. sobrang macho ni tyler. kitang-kita ko ang malaking pag babago sa kanya at halata naman na siya ay nag matured. ibang iba sa young tyler na nakita ko 7 years ago. litaw na litaw ang kanyang kagwapuhan at magandang katawan.
"Tyler."
"Louise."
Sabay namin natawag ni Tyler ang pangalan ng isa't isa. At batid kong siya rin ay hindi inaasahan na ang gustong ipag-meet ni Kevin ay siya at ako lang pala.
"Kilala niyo ang isa't isa?" Puno ng pagdududang tanong ni Kevin.
Tumingin ako kay Kevin at sa nakita ko sa peripheral vision ko ay ganoon din ang naging reaction ni Tyler. Hindi alam ni Kevin na matagal ko nang kilala si Tyler, kailanman ay hindi ko ito nabanggit sa kanya, kaya wala siyang alam patungkol sa aming dalawa. Bumalik ako ng tingin kay Tyler, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Kevin, ba't pa kasi nabanggit ko ang pangalan ni Tyler. Kailangan ko makaisip ng palusot kung bakit ko kilala si Tyler, dahil hangga't maari ayokong balikan ang kung ano man ang nakaraan namin ni Tyler.
"O-Oo" utal na sagot ni Tyler na tila kabadong-kabado. "Kilala ko si Louie." Kinabahan akong lalo sa sinabi niya. Sandali, anong sasabihin niya? Tyler anong sasabihin mo kay Kevin? Hindi mo pwedeng sabihin kay Kevin na mag kaibigan tayo, hindi pa ko handa balikan ang lahat, ayoko pang mag kwento sa kanya ng tungkol sa atin.
"Magka-"
"Kaklase. Magkaklase kami dati." Pangunguna ko sa gustong sabihin ni Tyler. Mabuti at nakaisip agad ako ng ibang karugtong para sa word niyang 'magka'. Siguro nang marinig ni Tyler ang sinabi kong iyon, nagtaka siya o nasaktan? Di niya inaasahan na kaklase lang ang sasabihin ko to think na dapat ay magkaibigan. Pero sana maisip niya na hindi niya dapat basta-basta sabihin lang 'yon alam niyang May hindi magandang nangyari noon. Sana maalala niya yon. And i hope he understand what i mean even though I can't speak louder.
"What? Oh my god. I couldn't believe this. Mag kaklase pala kayo dati. Cool, edi magkakakilala na pala tayo." Natatawang sabi ni Kevin. Sorry kev, pero hindi ko pa masasabi sayo ang totoo namin relasyon ni Tyler.
Nag kunwaring tumawa nalang ako at si Tyler ay nakitawa rin. Alam ko, sinabayan niya lang kami.
"Parang ganon na nga kev, siya lang pala yung ipapakilala mo sakin." May tawa sa pagitan ng pananalita ko nang sabihin iyon. As much as possible ayokong mag pahalata, as much as I can, magpapanggap ako.
"Oo nga, hindi ko alam na ako na pala ang nag papalapit sa inyo." Buti at alam mo yon kev, sa Dinami-dami ng pwede mong ipakilala eh yung matagal ko pang kilala? Kevin ano? Nakipag sabwatan ka ba sa tadhanang masyadong mapaglaro? "So what is this call? A reunion?" Pagbibiro ni Kevin. Sa totoo lang hindi ako natutuwa, sobrang uncomfortable ng pakiramdam ko. Ayoko ng ganito. Gusto ko nang umuwi, hindi ko makayanan ang makita at makasama ko pa si Tyler ngayon hindi ako handa na makita siya.
YOU ARE READING
Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]
RomanceA continued story of "Kung 'Di Rin Lang Ikaw" Sa bawat saglit, handang masaktan kahit 'di mo alam Year 2028 Started writing: October 1, 2022 Finished: February 4, 2023