PROLOGUE

2.5K 26 0
                                    

Nag bike ako pataas ng street, pinedal ko nang pinedal ang bike hanggang sa marating ko ang kulay cream na house apartment. Bumaba ako at tumayo sa tapat non habang hawak ang manibela. Tumingala ako sa nasa gitnang terrace. Tumikhim muna ako para masiguradong malinis ang boses ko kapag nag salita.

"Louiseeee." Tawag ko. Sana naman ay labasin niya na ko agad at kausapin. Sana pumayag na rin siyang makipag-usap sa'kin at sana ay bumaba na rin siya ng apartment nila tulad ng ginagawa niya dati. Miss na miss ko na yon.

"Louiseeee." Tawag kong muli. Pero ilang segundo na ang lumipas wala pa rin sumagot at lumabas ng terrace para silipin ako. Tuluyan na ba talaga akong kinalimutan ni Louie? Ayaw niya na ba talaga akong makita at makausap kahit kailan?

"Lou-" naputol ang pag tawag ko nang May biglang lumabas ng gate. Si manong. Yung kapitbahay nila Louie sa unit nila. Natatandaan ko siya kasi nakikita ko siya pag nag pupunta Ako dito. Mabait si manong at kinakausap kami ng mga kaibigan ko noon pag napapadalaw kami.

"Ano yon, hijoo. A'ba't tawag ka ng tawag riyan?" May tono ang pananalita ni manong ng mag tanong. Gaya sa nakikita ko dati May hawak siyang mug. Iyon ang parati niyang pinagiinuman ng kape.

"Si Louie po? Nandyan po ba siya?" Tanong ko.

"Ay naku, wala na sila dito. Umalis na, hindi ba nag paalam sa iyo?" Kamot ulo pang sabi sa'kin ni manong.

Umalis? Ahh kaya pala walang sumasagot. Kaya pala tahimik at mukhang wala rin tao ng makita ko ang repleksyon sa bintana.

"Saan po sila nag punta? Kelan daw po balik?"

"Naku hijo, hindi ko alam. Eh hakot-hakot na nila ang mga gamit nila kanina." Sabi ni manong tapos ay tumuro pa siya ng pointer finger niya sa tapat ng bahay nila. "Dito oh, nakaparada yung truck at hinahakot yung mga gamit nila."

Ano raw? Hinahakot ang gamit nila? Sa truck?

"Bakit po manong hinahakot? Ano po nangyari?" Naguguluhan kong tanong.

"Maglilipat na kasi sila hijo ng bahay, Eh hindi na sila nakatira dito. Lumipat na sila."

Parang binuhusan ako ng malamig na malamig na tubig. hindi agad ako nakakibo. Yung sinabi ni manong nag paulit-ulit sa tenga ko. Ang lakas, parang kalembang at para akong mabibinge. Tama ba ang narinig ko? Lumipat na ng bahay si Louie?

"Saan daw po sila lilipat?"

"Yun lang, hindi ko alam hijo."

"Wala po ba silang nabanggit sa inyo? Bakit daw po sila lumipat?" Sunod-sunod kong tanong. Ang dami kong tanong sa isipan ko. Bakit? Bakit lumipat si Louie? Bakit hindi siya nag sabi sa'kin?

Nagkibit balikat si manong. "Ewan hijo eh, hindi ko na natanong." May tawa sa pagitan ng pananalita niya mukhang nakukulitan na sa akin dahil sa dami ng tanong ko.

"Hindi ba nag paalam sa iyo?"

Umiling ako. "Hindi po."

"Eh ka-aalis lang ng truck nila." Sabi ni manong. At ginestures ang kamay niya ng pa sway sa daan palabas ng street na ito.

Sinundan ko yon ng tingin. Binalik ko ang tingin kay manong. "Sige po." Sabi ko at sumenyas na aalis na. Tumango nalang sa akin si manong.

Hindi ko mapaniwalaan na hindi manlang ako ininform ni Louie na aalis na siya. Bakit hindi niya ko sinabihan? Bakit hindi siya nagpakita kahit sa huling sandali lang? Nagawa niyang iwanan ang lugar na ito na puno ng memories namin ng ganun kadali, ni hindi manlang nag paalam sa'kin. Ang sakit isipin na basta nalang kami iniwan ni Louie.

Umangkas uli ako sa bike at nag pedal palabas ng gate. I don't know but my mind keeps on processing what manong said earlier. Umalis na si Louie sa apartment nila, lumipat na sila ng bahay, wala na siya sa Teresa.
I couldn't get over from what i've heard and from what I knewed. I can't accept that too fast. It's a surprise that starting today, Louie is something I will never see again.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now